Damn this simple calculation
Agad na sumandal sa upuan si Casen pagkatapos sagutan ang mga problems na ibinigay ni Tamara. Itinuro nga nito ang shortcut pero mukhang masho-shortcut siya papuntang after life.
Nasagad masyado ang kanyang utak to the point na kapag tinanong siya ng one plus one, ang isasagot niya ay eleven. Nadako ang tingin niya sa kaharap na nakatingala sa kisame at nakakunot ang noo habang pinapalo ng ballpen ang pisngi.
She really has a talent to make people laugh.
Pilyong pinitik niya ang kamay sa harap nito.
"Maduduling ka niyan."
Mukha ngang masyadong malalim ang iniisip nito kaya nagulat sa ginawa niya.
Sinilip niya ang mga nakapatong na papel sa lamesa.
"Patapos na ang semester, hindi ka pa rin nakakapili ng sasalihang club?”
“Isang club lang ang sinalihan ko. Kailangan ko pa ng isa para sa clearance.”
Kinuha niya ang mga application forms na nakakalat sa lamesa at nang may makitang hindi inaasahan napatabon siya ng bibig para pigilan ang pagtawa.
"You still want to pursue your robotic dance?" biro ni Casen.
Sa tuwing maaalala niya ang lola moves ni Tamara sumasakit ang kanyang tiyan sa katatawa. Isa iyon sa mga alaalang masarap balik-balikan.
"Masama bang maghangad na sumali sa dance troupe? Three years rin tayong hindi nagkita, nag-improve na ang talent ko sa pagsayaw. Sample gusto mo?"
"No need. Naniniwala ako sa lakas ng pananalig mong maging professional dancer. Baka bangungutin ako sa galing mong sumayaw."
"Don't worry I'll show you my special moves in the future. You'll be the happiest human being alive."
Bakit kailangan nitong sabihin iyon nang may nakakatakot na ngiti sa mukha? Kung umiinom siya ng tubig, baka naibuga niya nang wala sa oras. Kinontrol niya ang imahinasyon na huwag bigyan ng ibang kahulugan ang sinabi ng pasaway pero iba ang tinatakbo ng mga libido niya sa katawan. She is indeed dangerous.
"Are you having dirty thoughts? I'm talking such pure things here."
Masyadong kampante si Tamara na hindi niya papatulan ang kalokohang iyon na lalong nakakapagpainit ng kanyang ulo. Marahang hinigit niya ang kamay ng babae at inilapit ang kanyang bibig sa tainga nito.
"Thank you for the invitation. Make sure to do a good job...or I'll punish you."
He was so pissed that he wanted to take a little revenge but he didn't expect she would be that red. Mabuti na lang nagsi-alisan na ang mga estudyanteng nasa likuran nila at maunti na lang ang natirang tao sa parteng iyon.
"Let's stop talking like this we're in the library," mahinang sambit nito at iniwas ang tingin sa kanya.
"Ano bang iniisip mo? Ang ibig kong sabihin kapag hindi maganda ang performance mo, ipagkakalat ko sa buong university na parehas kaliwa ang paa ng iniidolo nila. Just what the hell are you thinking, you perv." Hinampas siya nito sa baraso.
"Nahuhuli ka sa akto."
"Fine. Nagbibiro lang naman ako. But why do you have to seduce me like that? You cheater!"
She is straight honest...
Hindi niya inaasahan na aamin si Tamara at ngayon niya lang nakita na ganoon kapula ang mukha nito.
"At saka wala naman talaga akong balak mag-sign up sa dance club, kumuha lang ako ng application form. Masyado akong busy para um-attend ng practice, ang kailangan ko 'yong club na hindi productive at once a month lang ang meeting. This all because of that freaking clearance."
Gigil na ginurian nito ang form sabay tingin sa kaniya.
“Are you done?” anito at kinuha sa kaniya ang papel. Pinasadahan lang iyon ng tingin ni Tamara at ibinalik sa kaniya.
“Very good. Tama lahat ng sagot. Hindi ka na iiyak sa exam.”
He might be a genius. Sinong makapagsasabing nasagutan niya iyon sa loob ng ilang minuto na walang gamit na calculator? Nawala lahat ng kaniyang paghihirap sa katawan at nabuo ulit ang nawasak niyang tiwala sa sarili.
But should he thank her? Tumingin siya kay Tamara na may kinukuha sa bag. Ngayon pa lang nauutal na ang dila niya. Malaki ang naitulong ng kaniyang guro kaya gusto niyang pasalamatan ito ng tunay pero mahirap palang magpakabait. Awkward.
How should he thank her without sounding sarcastic?
Thank you sincerely? D*amn cheesy.
Natapos na lang itong magligpit ay hindi pa rin siya nakakaipon ng lakas ng loob.
“Here.” May inabot ito sa kaniyang folder.
“Ginawan kita ng isang folder na reviewer. Para 'yan sa lahat ng subject. Sigurado akong wala kang notes dahil space out ka lagi sa klase. Bilang isang mabait na kaklase, binigyan na kita ng dahilan para mag-aral. No need to thank me. Alam ko na naiiyak ka na sa sobrang touched. I better go now since you’re done.”
What is this tingling sensation inside his heart? This is the first time he received something like this.
Kusang kumilos ang kaniyang mga paa at hinabol si Tamara na nakalabas na ng library. Pumantay siya sa paglalakad nito.
"Are you going to your part-time job?" Nagulat naman ang babae sa kaniya.
"Yup. Why?”
“Just asking.”
He felt frustrated that he can’t say anything.
“What about you?”
She looked at him.
“I’m…” Napahinto siya sa paglalakad. Hindi niya namalayan na nasa may gate na pala sila. Magkaiba sila ng daanan pero tila ayaw kumilos ng kaniyang mga paa palayo rito.
“You’re going that way, right?” Tumuro si Tamara sa kaliwa. “Sad to say, dito na tayo maghihiwalay. Bye. See you tomorrow.”
Paalis na sana si Tamara nang biglang haklitin ni Casen ang bitbit nitong bag sa kamay. Nabigla naman siya na kasing bigat ng bato ang dala ng babae.
“Kanina ka pa mukhang natatae. Naawa na ako sa ‘yo.”
Nakatingin lang ito, walang reaksyon.
“You’re such a gentleman with a foul mouth. Alam ko na gusto mo lang magpasalamat. Nahihiya ka lang maging cheesy.”
Marunong ba itong magbasa ng isip at sapol na sapol siya?
“Fine. Think whatever you want.”
Wala siya sa mood makipagmatigasan. Totoo naman ang sinabi nito kaya pagbibigyan niya sa pagkakataong iyon.
“Ihahatid mo ako hanggang sa café?”
She's a pro at bringing out the obvious.
“Yeah, since I’m indebted to you.”
Kumunot ang noo ng kausap.
“Why are you so mistaken about me? I did not do it to make you feel obligated.”
Pakiramdam ni Casen nanlamig ang pawis niya. Wala sa kaniyang intensyon na masamain ang ginawa nito. Darn it. Why can’t he find any nice words?
“That’s not what I’m trying to say. I simply want to help you. Hindi s*******n o kung ano mang iniisip mo. Wala naman akong gagawin kaya may time akong ihatid ka.”
Ngumiti ito.
“Okay.”
Akala niya ay ayos na ang lahat kaso may sumapi na namang atang masamang espiritu kay Tamara. Pinangingilabutan siya sa kakaibang tinginan nito. May nakakatuwa ba sa sinabi niya at mukhang masaya ang kaaway?
The hell is wrong with her?
Nagsisitaasan ang mga balahibo niyang nanahimik.