Napansin ni Casen na tulala si Tamara. Malayo ang tingin. It must be painful for her to come here. He's stupid to push her to go back to the place she badly wants to forget. "Want me to go with you?" Nabalik ito sa sarili nang magsalita siya. Ngumiti nang mapait at kinuha ang bulaklak na binili nila sa backseat. "I want to go alone. It might take quite some time so humihingi na ako ng dispensa in advance." "No problem." Lumabas na ito ng kotse pero bago umalis ay muli siyang sinulyapan. "Okay ka lang bang mag-isa diyan? Takot ka pa naman sa multo." Malungkot ang mga mata nito ngunit hindi pa rin talaga papalampasing asarin siya. At kailan pa siya natakot sa multo? Mas takot pa siya sa mga taong may sayad kagaya nito. "Your mom must be proud of me. I took good care of her daught

