Napalingon si Sky kay Earth nang salubungin ito ni Francine at gawaran ng halik sa pisngi. "How are you, Earth? I missed you." Tahimik lang si Earth habang pinagmamasdan ang babae at ganoon lang din ang reaksyon ni Sky. Tila naghihintay siya ng susunod na gagawin nito. "Francine…" "What? Iñigo invited me. Wala naman sigurong masama?" Nakangiting sabi nito. "Yes, actually we have a date, Earth. You have Sky and I have Francine. Let's just enjoy the night," sabi nito kapagkuwan ay inakbayan pa si Earth. "Okay. After all, it's all in the past. Let's go, Sky," sabi ni Earth sa kaniya pagkaraan ay pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan. Dahil may dala ring sasakyan si Iñigo ay doon na lang sumabay si Francine. Samantalang siya ay kasabay naman ni Earth. "Who is sh

