Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Sky matapos niyang kausapin ang CEO ng pinagtatrabahuhan niyang kompanya. Noong una ay nag-aalangan pa siyang magsalita ngunit kalaunan ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa lalo na at trabaho niya ang nakasalalay sa paghaharap nilang iyon. "Sir, pasensya na po kung hindi po ako nakapasok ng ilang araw. Nagkaroon lang po ng problema. Sana po ay bigyan n'yo pa po ako ng ikalawang pagkakataon," sabi niya habang ang kaniyang boss ay nananatiling nakaupo patalikod sa lamesa nito. "Okay," tugon nito. "O-okay? Ibig pong sabihin…" hindi na niya nagawa pang ipagpatuloy ang sasabihin nang bigla itong magsalita. "Isn't it obvious? You may go out now and do your paperworks," tanging sabi nito. "T-thank you, Sir." Gumuhit ang malapad na

