Dumating ang araw ng pagtitipon. Hindi ito ordinaryong party. Ito ay deklarasyon. Sa loob ng silid, tahimik na naghanda si Jeon. Isang itim na tailored suit. Mas pormal kaysa dati. Mas kalkulado ang dating. Walang labis na detalye—pero bawat hiwa ng tela ay eksaktong akma sa kanya. Hindi siya mukhang fiancé. Mukha siyang pwersang pupunta para kunin ang entablado.Nang matapos syang mag ayos ay nagtungo sya Sa kabilang bahagi ng estate,nasa makeshift operations room kasi si Aleric. Naka wheelchair pa rin, may benda ang sugat—pero ang mga mata niya ay malinaw at matalim. Tatlong laptop ang bukas sa harap niya. “CCTV layout ng palazzo secured,” sabi niya habang mabilis ang daliri sa keyboard. Bukod sa pagiging high-class assassin— isa rin siyang mahusay na hacker. “May dalawang i

