CHAPTER 18

1891 Words
Abala ang mga naatasan ni Jeon; bawat isa sa kanila ay tila bahagi ng isang clockwork na walang kapintasan, organisadong gumagalaw ayon sa ritmo ng mga utos na walang espasyo para sa pagkakamali. Hindi ito engrandeng royal wedding—walang parade ng coach at trumpeta na sumasalubong sa magsing-irog sa harap ng libu-libong tagapanood—pero hindi rin ito maliit, hindi pangkaraniwan, at tiyak na hindi basta-basta. Maingat ang bawat kilos, mula sa paglalakad ng mga staff na parang naglalakad sa salamin, hanggang sa bawat pokus na ibinubuhos sa bawat detalye. Kontrolado ang lahat—maging ang pagtigil ng hangin ay parang bahagi ng rehearsed sequence. Eksakto ang bawat segundo at galaw, bawat tao ay may tinukoy na papel, walang margin para sa di-inaasahan. Sa simbahan, makikita mong may mga taong abala sa pagsukat ng ilaw—sinisinop ang bawat sinag na mararating ng altar—at inayos nang perpekto ang bawat upuan, parang chess piece na dapat nasa tamang pwesto. Ang napiling venue ay isang lumang katedral sa Barcelona—kakaunti ang bisita, hindi matao, ngunit puno ng kasaysayan at may bigat na sapat para maging saksi ng isang mahalagang okasyon. Ang katedral ay puno ng mga kwento: lumang altar, malalaking arko, at makukulay na bintana na tila naglalaman ng mga lihim na pagbubunyag. Dito, nagpapalit pa rin ang liwanag ng araw at dilim ng gabi sa pamamagitan ng makakapal na stained glass, na animo’y silent witness din ng kasal nina Jeon at Angelic. Sa reception venue, tahimik na inaayos ng mga tauhan ang mga bulaklak—pawang puti at ginto, pinili para magbigay ng elegante at dalisay ngunit makapangyarihang dating. Walang sobra, walang kulang; bawat bouquet ay kinompos ng eksakto, parang militar na formasyon, walang room para sa kalituhan o kaguluhan. Sa gitna ng kaayusan, naroroon ang takot ng ilan sa mga staff—dahil alam nilang ang event na ito ay higit pa sa isang simpleng kasal. Sa opisina naman, may listahan ng mga imbitado: mahigpit, limitado—tanging mga taong dapat talagang makakita, makaranas, at maging saksi. Wala rito ang press o anomang anyo ng publicity; kundi piling-pili lamang ang mga naroon, may mga pangalan na dapat umalingawngaw, at may mga pangalan na dapat matakot sa mismong pagdalo. Ito’y hindi para sa romantikong alaala—hindi ito para sa mga lumang album na babalikan pagtagal ng panahon, o para sa kuwento ng isang masayang simula ng pamilya. Kundi para sa deklarasyon: isang pormal at matibay na pahayag ng kapangyarihan, lakas, at pag-aangkin. Mapapansin mo ring may discreet media coverage din—hindi para sa headlines, kundi para siguraduhing makarating ang balita sa tamang kamay, sa mga underground na contact at koneksyon. Ang mga larawan at dokumento, sigurado, ay maglalakbay sa likod ng kadiliman patungo sa mga taong dapat makatanggap. At syempre—kasama sa mahigpit na preparasyon ang kanilang mga susuotin. Isang puting trahe de boda ang maingat na inilatag sa silid ni Angelic, halos parang sagradong saplot. Mahaba ang belo, umaabot sa sahig na marmol, simple ngunit elegante, tahimik na nagpapahayag ng dignidad at hiwaga. Hindi magarbo, ngunit hindi rin tipikal—may kakaibang ganda na parang sinadyang hindi tapatan ng anumang dekorasyon. Sa kabilang silid, abala rin ang tailor na naghahanda ng suit ni Jeon—suot na itim, malinis ang tahi, walang labis na dekorasyon; simple pero may klase, sakto sa pagkatao ng lalaking maglalakad patungo sa altar. Sa gitna ng lahat ng paghahanda—tahimik si Angelic. Pinagmasdan niya ang damit, binalikan ang bawat detalye at himulmol ng tela. Ito ang belo na minsan niyang pinangarap, isang pangarap noong bata pa na suotin ang puti at lumakad sa harap ng altar kasama ang lalaking mahal. Pero ngayon—hindi na niya alam kung ito ba ay pangarap na natupad, o pangarap na ginawang sandata; kung ito ba’y depensa, pribilehiyo o kaparusahan. Samantala, sa opisina, alerto at mapagbantay si Jeon. Pinagmamasdan niya ang mga ulat ng security—security layers, route plans, backup extraction points—lahat ng contingency ay nakalatag, walang dapat palampasin, walang dapat sumingit. Hindi niya hinahayaan ang kahit anong butas. "Siguraduhin n’yong walang makakalapit nang hindi ko nalalaman," malamig niyang utos na nagpaalala sa lahat kung sino ang may hawak ng kaganapang ito. "Opo, boss," ang mabilis na tugon—walang tanong, walang protesta. Sa bawat bulaklak na inilalagay—may sniper position na nakapuwesto't handang rumesponde. Sa bawat kandilang sinisindihan—may kasabay na armed escort, laging gumagalaw na parang anino. Bawat imbitasyon na ipinapadala ay may kalakip na mensahe: ito ay pagtitipon ng mahahalaga at mapanganib. At dumating na nga ang takdang araw, isang gabi na tinakda mismo ni Jeon—hindi dahil romantiko ang buwan, kundi dahil sa dilim ay mas kontrolado ang lahat; mas madaling bantayan, mas madaling itago ang kilos, at mas kitang-kita ang aninong gumagalaw. Nauna na sa simbahan si Jeon—hindi bilang isang groom na sabik, hindi bitbit ang tipikal na kaba o saya. Bumukas ang malalaking pintuan ng katedral, at pumasok ang malamig na hangin ng gabi, kasabay ng malumanay at maipagmamalaking pagdating ni Angelic. Tahimik ang buong katedral, ang katahimikan ay may sariling bigat—tanging marahang musika at bahagyang echo ng kanyang unang hakbang sa marmol na sahig ang naririnig. Isa, dalawa—mahaba ang aisle, tila walang katapusan, at bawat kandila sa gilid ay kumikislap, parang mga matang walang trepidasyon na sumisilip sa bawat galaw niya. Nakataas ang kanyang ulo. Hindi siya umiiyak—wala siyang luha sa mata, hindi rin nanginginig ang kanyang mga kamay kahit nararamdaman niya ang tensyon ng gabi. Sa bawat hakbang, ramdam niya ang bigat ng tela ng kanyang trahe de boda—bawat hakbang ay tila pagbibitbit ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Ito ang belo na minsang pinangarap niyang isuot sa araw ng pag-ibig, ngunit ngayon, bagama’t suot niya ito, para bang ito ang nagpoprotekta sa kanya sa gitna ng kapangyarihan at digmaan. Sa dulo ng aisle, andoon si Jeon. Itim ang suot, matatag ang tindig na parang haligi ng simbahan. Hindi siya gumagalaw; nanatili siyang nakatayo, hindi ngumiti, at hindi nagpakita ng kahit anong emosyon sa mukha. Ngunit ang mga mata niya—nakatutok lamang sa kanya, si Angelic ang sentro ng lahat ng atensyon at intensyon niya. Walang ibang mundo. Sa bawat hakbang ni Angelic palapit, mas nagiging mabigat ang katahimikan, mas ramdam ang tensyon na bumabalot sa paligid—parang sumisiksik ang hangin sa bawat sandali. Hindi basta bisita ang mga nakaupo sa simbahang iyon—sila ay saksi sa isang deklarasyon, hindi lang ng kasal kundi ng pag-aangkin ng pangalan, argumento ng kapangyarihan. Nang makarating siya sa kalahati ng aisle, sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata. Ngunit hindi ito tipikal na titigan sa café, hindi ito hamon, kundi isang mahigpit na tanong: Tatayo ka ba talaga para sa akin, sa kabila ng lahat? ANGELIC'S POV Sinasabi ng marami na ang kasal ay banal—isang sumpa ng pag-ibig na iniaalay sa harap ng Diyos. Ngunit sa gabing ito, wala akong ihaharap sa altar kundi ang lalaking tinatawag ng mundo na demonyo. Tatayo ako sa harapan niya, suot ko ang puting trahe de boda, ngunit pakiramdam ko’y tila ito ay panangga kontra sa kadilimang bumabalot sa kanyang pagkatao. Ang mga mata niya—walang awa, walang pagsisisi; malalim at puno ng misteryo—ngunit sa bawat titig, ramdam ko ang isang pangakong hindi na mababawi kailanman. Pinili ko siya. Pumili ako ng buhay na puno ng ligalig kapalit ng katahimikan, ng panganib kapalit ng pagmamahal. Pipiliin ko rin bang mahalin ang lalaking winasak ng kasalanan, hinubog ng dugo, at kinatakutan ng marami? Oo, pinili kong itali ang buhay ko sa isang lalaking ang mga kamay ay marunong pumatay, hindi marunong magmahal, pero mapang-angkin "Kapag pumasok ka sa mundong ‘to," mahinang babala niya noon, "wala nang atrasan." Ngumiti ako nang maalala ko ang mga salitang iyon—parang pamamaalam sa kahapon, pagtanggap ng bagong yugto ng buhay. Tahimik ang katedral. Sa gitna ng katahimikang iyon, nakatayo si Angelic at Jeon sa harap ng altar. Ang mga kandila ay marahang kumikislap, sumasabay sa bawat t***k ng kanilang mga puso; ang hangin ay tila hindi gumagalaw, parang hinatak ng bigat ng okasyon. Humakbang ang pari nang bahagya palapit sa kanila, ang presensya nito ay mapayapa ngunit makapangyarihan. "Minamahal," panimula nito, ang boses ay umaalingawngaw sa mataas na kisame ng lumang katedral, "narito tayo ngayon upang saksihan ang pag-iisang dibdib ng dalawang taong piniling magsama sa harap ng Diyos at ng mga saksi." Ang mga salita ng pari ay bumalot sa buong simbahan, dumaloy na parang malamig na hangin na nagbibigay diin kung gaano kahalaga ang sandali. Sandaling katahimikan. Tumingin ang pari kay Jeon, mabigat ang tingin, parang sinusukat ang kanyang kaluluwa. "Jeon Luke Devereaux," malinaw ang pagbigkas ng pangalan, "tinatanggap mo ba si Angelic bilang iyong asawa—upang makasama sa hirap at ginhawa, sa panganib at kapayapaan, at pangalagaan siya sa lahat ng araw ng iyong buhay?" Ang mga salita ay simple, parang orasyon na hindi na mababawi, ngunit mabigat, parang sentensya ng tadhana. ''Yes I do, Father,'' walang patumpik-tumpik na sagot ni Jeon—direkta, walang alinlangan, kasabay ng bigat ng kanyang pananagutan. ''Angelic Angeles,'' sunod na saad ng pari habang tumitig kay Angelic, ''tinatanggap mo ba si Jeon Luke Devereaux bilang iyong asawa upang makasama sa hirap at ginhawa, sa panganib at kapayapaan at pangalagaan siya sa lahat ng araw ng iyong buhay?” ''Y-Yes I do, Father,'' mahina ngunit malinaw ang tugon ni Angelic—nanginginig ng kaunti ang tinig, ngunit puno ng paninindigan. Saglit na tumahimik ang simbahan matapos ang kanilang mga sagot; palagay ng lahat—pati ng mga di-nakikita—ito’y sandaling katumbas ng libong taon. Ang mga kandila ay patuloy na kumikislap, parang sinasaliwan ang lihim na damdaming naglalaban sa loob ng simbahan. Ang hangin ay parang nakikinig, nagpupugay sa dalawang kaluluwang naglakad sa apoy para sa pangalan, walang pagmamahal, at kapangyarihan. "Sa bisa ng kapangyarihang ipinagkaloob sa akin," malalim ang boses ng pari, "ngayon ay pinag-iisa ko kayo bilang mag-asawa.” Isang maikling paghinto, tila binibigyan-diin pa lalo ang bigat ng kanilang sumpaan. "You may kiss now the bride," sabay ng paglapit ni Jeon kay Angelic. Parang bumagal ang oras—sa sandaling iyon, tumigil ang mundo para sa kanila. Ang mga mata ni Jeon ay hindi lumihis kay Angelic, puno ng katahimikan, hindi tagumpay at hindi rin isang palabas. Sa ilalim ng belo, tiningnan ni Angelic si Jeon—walang takot, walang pag-aatubili, kahit ramdam niyang kumakaba ang puso niya. Dahan-dahang itinaas ni Jeon ang belo, marahang gumuhit ang puting tela paatras, animo’y nag-aalis ng huling takip sa pagitan nila. Sa unang pagkakataon ngayong gabi, nakita ni Jeon ang buong mukha ni Angelic, malinaw at mas maliwanag kaysa alinmang ilaw sa simbahang iyon. Walang ngiti—hindi ito sandali ng tawa o saya—pero hindi rin ito malamig. Isang atmospera ng tahimik na pagtanggap, na nagsisilbing pahinga mula sa bigat ng kanilang nilakbay at kakaharapin pa. Humakbang siya nang kaunti palapit—hindi marahas, hindi nagmamadali, ni walang bahid ng duda. Ang kanyang kamay ay dahan-dahang humawak sa pisngi ni Angelic—banayad, maingat, takot masira ang sandaling iyon na parang marupok na salamin; at sa harap ng altar, sa harap ng mga piling saksi, sa gitna ng nag-aalab na tension ng digmaan at kapangyarihan, hinagkan niya ang kanyang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD