Hindi pa doon natatapos si Jeon. Pagkapasok niya sa kanyang malawak na opisina— agad siyang umupo sa swivel chair sa likod ng malaking mesa. Tahimik. Pero mabigat ang atmosphere. Sa harap niya— nakatayo pa rin ang assistant niyang si Art. Halatang kinakabahan. Ni hindi halos makatingin diretso. “S-sir… ano pa pong kailangan n’yo?” Maingat nitong tanong. Bahagyang nanginginig pa ang boses. Ngunit imbes na sumagot agad— matiim lang siyang tinitigan ni Jeon. Tahimik. Matagal. Parang sinusukat. Parang binabasa ang bawat kilos nito. Mas lalong kinabahan si Art. Napalunok siya. “Art…” Sa wakas ay nagsalita si Jeon. Mababa ang boses. Kontrolado. “Ilang taon ka na nga bang naninilbihan sa’kin?” Wala sa sariling tanong niya habang nakasandal sa upuan— pero hindi inaalis an

