Bago tuluyang umangat ang pribadong jet patungong Spain, tahimik na nakaupo si Elian sa loob ng cabin.
Nakatingin siya sa madilim na runway.
Pagkatapos, kinuha niya ang telepono.
“Direct line,” utos niya.
Ilang segundo lang, sumagot ang kabilang linya.
Hindi nagpakilala si Jude.
Alam niya kung sino iyon.
“Hey,” malamig na bati ni jeon. “Kamusta? Nagustuhan mo ba ang regalo ko sa’yo?”
Tahimik sa kabilang panig.
Ngunit ramdam ang galit.
“Nasaan ka?” diretso ang tanong ni Jude.
Bahagyang ngumiti si jeon.
“Hindi mo alam?” sagot niya. “Akala ko mahusay ang intel mo.”
Humigpit ang boses ni Jude. “Sinunog mo ang teritoryo ko.”
“Mali,” sagot ni jeon. “Sinunog ko ang ilusyon mo.”
Sandaling katahimikan.
“Nasa akin na siya,” dagdag ni jeon. “Buhay. Walang galos.”
“Hindi mo siya pag-aari,” malamig na sagot ni Jude.
Tahimik na tumawa si jeon.
“Kung pag-aari ang pag-uusapan,” wika niya, “dapat hindi mo siya ginawang kontrata.”
Tumahimik muli ang linya.
“Hindi mo alam kung saan ako naroroon,” dagdag ni jeon, ang boses ay halos pabulong ngunit puno ng kumpiyansa. “At kahit alamin mo—mahuhuli ka.”
“Akala mo tapos na?” sagot ni Jude, mababa at mapanganib.
“Hindi,” tugon ni jeon. “Nagsisimula pa lang nagkataon lang na Buhay ka pa dapat nga magpasalamat ka.”
Isang maikling paghinga ang narinig mula sa kabilang linya.
“Hindi ka makakalayo,” sabi ni Jude.
“Hindi ako tumatakbo,” malamig na sagot ni jeon. “Pinipili ko lang ang lugar kung saan kita dudurugin.”
Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa tawag.
Dalawang lalaking parehong sanay sa kapangyarihan.
Dalawang lalaking parehong hindi marunong umatras.
“At Jude—” huling sabi ni jeon bago tapusin ang tawag. “Sa susunod na makita mo ako… hindi na lang teritoryo ang mawawala sa’yo.”
Click.
Naputol ang linya.
Sa kabilang panig, nakatayo si Jude sa madilim na silid, hawak pa rin ang telepono.
Hindi niya alam kung nasaan si jeon.
Hindi niya alam kung anong ruta ang tinahak nito.
At iyon ang pinakamasakit.
Hindi siya sanay na walang kontrol.
Habang unti-unting umaangat ang eroplano sa himpapawid—
Wala pa ring malay si Angelic.
Sa loob ng pribadong jet, tahimik ang lahat. Mahina ang ugong ng makina habang patuloy silang lumilipad palayo sa bansang naging kulungan niya.
Nakaupo si jeon sa tapat niya.
Hindi siya natutulog.
Hindi rin siya nagsasalita.
Pinagmamasdan niya ang babae—ang puting bestida na tila wala na sa tamang lugar, ang bahagyang marka ng abo sa laylayan, ang mukha nitong maputla ngunit payapa sa kawalan ng malay.
Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya pagmulat ng kanyang mata.
Hindi niya alam na wala na siyang babalikan.
Hindi niya alam na sa paglapag nila sa Spain, hindi na siya magiging bihag—
ngunit hindi rin ganap na malaya.
Sa isipan ni jeon, malinaw ang susunod na hakbang.
Dumating na ang takdang oras ng kanilang paglapag.
Dahan-dahang bumaba ang pribadong jet sa madilim ngunit maliwanag na runway ng pribadong airstrip sa Spain. Walang media. Walang usisa. Tanging ilang sasakyang nakaabang sa gilid ng tarmac.
Tahimik ang gabi sa Barcelona.
Sa loob ng cabin, wala pa ring malay si Angelic.
Bahagya siyang gumalaw ngunit hindi nagising. Pagod ang katawan. Pagod ang isip. Para bang mas pinili ng kanyang sistema ang pansamantalang dilim kaysa harapin ang bagong realidad.
Tumayo si jeon nang marahan habang tuluyang huminto ang eroplano.
“Clear ang paligid, boss,” ulat ng isa sa kanyang tauhan.
Tumango siya.
Lumapit siya kay Angelic at maingat itong binuhat—parang hawak ang isang bagay na marupok ngunit mahalaga. Ang puting bestida nito ay bahagyang kumislap sa ilaw ng cabin bago siya lumabas ng eroplano.
Sa labas, malamig ang hangin ng gabi.
Walang usok.
Walang putok.
Walang sigawan.
Ibang mundo.
Isinakay siya ni jeon sa itim na sasakyang naghihintay. Mabilis ngunit organisado ang galaw ng kanyang mga tauhan.
“Diretso sa villa,” utos niya.
Ilang minuto ang lumipas.
Huminto ang convoy sa harap ng isang malawak na property—mataas ang gate, tahimik ang paligid, at bantay-sarado ang perimeter.
Teritoryo niya.
Hindi basta bahay.
Kuta.
Binuksan ang pintuan at muling binuhat ni jeon si Angelic papasok. Tahimik ang loob—malawak na sala, marmol na sahig, at ilaw na hindi masakit sa mata.
Walang bakas ng gulo.
Walang bakas ng nakaraan.
Inakyat niya ang hagdan patungo sa isang silid na inihanda na—malinis, simple, at hindi kulungan.
Maingat niya itong inilapag sa kama.
Sandali siyang tumigil.
Pinagmasdan niya ang mukha nito—hindi na natatakot, hindi na umiiyak.
Tahimik.
Pagkatapos iwan sa isang silid si Angelic, tahimik na isinara ni jeon ang pinto.
Hindi niya ito ni-lock.
Hindi ito kulungan.
Sandali siyang tumigil sa hallway, saka naglakad patungo sa kabilang kwarto—ang pribado niyang silid.
Pagpasok niya, agad niyang hinubad ang kanyang coat. May bahid ng abo sa manggas. May bahid ng dugo sa laylayan—hindi niya alam kung kanino.
Pumasok siya sa banyo at binuksan ang gripo. Bumuhos ang malamig na tubig sa marmol na lababo.
Tinanggal niya ang kanyang damit.
Sa harap ng salamin, tumambad ang kanyang katawan—hindi perpekto, hindi malinis.
May mga pilat.
Mahahaba. Pahilis. May ilan sa balikat, sa tagiliran, sa likod.
Bawat isa ay alaala ng digmaan.
Isang tama ng bala sa Milan.
Isang saksak sa Marseille.
Isang sabog na halos kumitil sa kanya sa Valencia.
Hindi siya ipinanganak na halimaw.
Hinubog siya.
Habang umaagos ang tubig sa kanyang balat, tahimik niyang inaalala ang kampong sinunog niya ilang oras lang ang nakalipas.
Wala siyang pagsisisi.
Ngunit hindi rin siya bulag sa katotohanan—
Bawat laban ay may kapalit.
Hinawakan niya ang isang lumang pilat sa kanyang dibdib. Isa sa pinakamatanda. Isa sa pinakamalalim.
Sa unang pagkakataon sa gabing iyon, hindi si Jude ang nasa isip niya.
Kundi ang babaeng nakahiga sa kabilang silid.
Malayo na siya sa kulungan.
Ngunit inilapit niya ito sa mas magulong mundo.
Huminga siya nang mabagal.
“Hindi ka na babalik sa dati,” mahina niyang bulong sa sarili.
Tinuyo niya ang katawan at nagsuot ng malinis na damit. Madilim pa rin ang kulay. Tahimik pa rin ang tindig.
Ngunit may kakaibang bigat sa kanyang mga mata.
Sa kabilang silid, si Angelic ay bahagyang gumalaw sa kama—parang malapit nang magising.
Unti-unting nagmulat si Angelic ng mga mata.
Mabigat ang kanyang talukap. Parang may manipis na ulap na nakabalot sa kanyang isip. Ilang segundo siyang nakatitig lamang sa kisame—puti, malinis, may malambot na ilaw na hindi masakit sa mata.
Hindi ito ang silid sa kampo.
Walang bakal na pinto.
Walang kamera sa sulok.
Walang amoy ng usok.
Dahan-dahan siyang umangat at sumandal sa headboard. Kumalabog ang puso niya nang mapansin ang paligid—malawak ang silid, may malalaking bintana na natatakpan ng manipis na kurtina, at maririnig ang mahinang tunog ng hangin mula sa labas.
Hindi siya pamilyar sa lugar.
Ang unang tanong sa kanyang isipan—
Nasaan ako?
Bigla niyang naalala.
Putok.
Apoy.
Aninong nakaitim.
Mga bisig na sumalo sa kanya.
Agad siyang tumayo, ngunit bahagyang nanghina ang kanyang tuhod. Hinawakan niya ang gilid ng kama para hindi matumba.
Lumakad siya patungo sa bintana.
Pagbukas niya ng kurtina, bumungad sa kanya ang tanawing hindi niya pa kailanman nakita—mga bubong na kulay terracotta, makitid na kalye, at malayong dagat na kumikislap sa ilalim ng araw.
Hindi ito ang Pilipinas.
Hindi ito ang lungsod na kinasanayan niya.
Nanlamig ang kanyang likod.
“Mabuti naman at gising ka na.”
Iyon ang bungad ng mapanuring mga mata na matagal nang nakamasid sa kanya.
Nakatayo si jeon sa may pintuan, nakasuot ng malinis na damit, ngunit hindi maitatago ng ayos ang bigat ng presensya niya. Tahimik lang siyang nakatingin kay Angelic—sinusuri kung maayos ang kalagayan nito.
“Nasaan ako?” agad niyang tanong, hindi na nagpaligoy-ligoy.
Diretso. Matatag.
“Sa Spain,” sagot niya.
Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata. “Spain?” ulit niya, parang hindi pa lubos na naniniwala.
“Barcelona,” dagdag ni jeon. “Sa isa sa mga ari-arian ko.”
Humigpit ang panga ni Angelic.
“Dinala mo ako sa ibang bansa nang hindi man lang ako tinanong.”
Hindi siya sumigaw. Hindi siya nagwala.
Mas matalim ang kontroladong galit.
“Kung tinanong kita,” sagot ni jeon nang malamig ngunit hindi marahas, “may oras ba tayo para magdesisyon?”
natahimik siya sandali.