Hindi pa man tuluyang nakakapasok ang lahat— sunod-sunod na sasakyan ang dumating sa labas ng mansion. Mabibilis. Organisado. At halatang hindi basta-basta ang sakay. Napatingin ang buong grupo. “Looks like dumating na sila…” Mahina ni Aleric. Isa-isang bumukas ang mga pinto ng sasakyan. Lumabas ang mga armadong tauhan— sunod ang isang pamilyar na aura. Isang babae. Matangkad. Matikas ang tindig. Malamig ang mga mata— pero may kakaibang lakas ang presensya. Si Venus. Hindi pa man tuluyang nakakababa ang lahat— agad siyang nagsalita. Malakas. Diretso. “WHERE IS JEON?” Umingay ang boses niya sa buong driveway. Agad napalingon ang lahat. Napatahimik ang paligid. Si David ay napalunok. “Grabe… parang galit.” Bulong niya. Habang si Valerie ay napataas ang kilay. “Ve

