"Do you wanna see him?" Kung kanina iyak ako ng iyak dahil sa sakit at lungkot. Ngayon naiiyak na naman ako dahil sa wakas makikita ko na yong anak ko na nasa sinapupunan ko pa lang ay marami ng pinagdaanan... Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman dahil nga premature siya... Ngunit mas nanaig kasi sa akin ang tuwa. "Ang liit-liit niya..." Iyak ko habang nakatanaw sa salamin... Totoong maliit nga talaga siya. Kung hindi ako nagkakamali, parang kasing laki lang niya ang bote ng 12 oz. Maybe dahil ipinanganak ko nga siyang kulang sa buwan. "He will be fine in few days, Dani. He's strong, just like you." Ngiti niya sabay halik sa bumbunan ko. Tumango ako kahit naiiyak. Parang gusto ko na lang na magstay dito at bantayan ang anak ko. Nasasaktan ako para sa sitwasyon niya... Para bang nadud

