Nasa isipan ko pa rin kung paano ko sasabihin kay Sir Quir na buntis ako sa anak niya... Siguro nga, hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako handa. Parang napipilitan, kaso iniisip ko kung paano ang anak ko kapag lumaki na siya. Ayaw ko naman na maging katulad siya sa'kin... Siguro oras na para sabihin kay Sir Quir ang sitwasyon ko... Kung may magbabago man... Hindi ko naman siguro pagsisihan. Umaga pa lang pinanlalamigan na ako ng mga kamay... Paano ko nga ba sasabihin? Ni hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Lalapitan ko ba si Sir? Ano... Diretso ko bang sasabihin sa kanya? Nakakaloka... Nalilito na ako. Pati yata itong nasa sinapupunan ko hindi na rin mapakali. Naduduwal ako maya't maya. "Baby... Wag ka namang ganyan." Naiiyak na sabi ko habang hinahaplos ang umbok. Kailangan ko

