8

1711 Words
"Coffee?" Alok ni Ma'am Neil nang nagkaabutan kami sa tapat ng overviewing na malawak na glass wall dito sa palapag ng Marketing. "Salamat ho, but I don't drink coffee po." Iling ko. Ngumiti naman siya at tulad ko at sumandal na rin sa raillings, nakatanaw sa labas. "Actually, bagay naman kayo ni Boss. Alam nyo 'yong chemistry na meron sa dalawang tao? Kayo 'yon, Dannah." Biglang sabi ni Ma'am Neil na siyang ikinalingon ko. Nagtataka... Ngunit sa huli'y umiling ako dahil sa totoo lang, hindi si Sir Quir ang tipo ng taong magseseryoso sa isang babae. Alam ko ang mga galawan niya... Parang galawan ng isa kong Kuya. "Hindi mo siya type?" Tanong niya, bahagyang nakataas kilay. Siguro nabasa niya kung anuman ang nasa isipan ko. Lihim na rin siyang nagpipigil ng ngiti, bago nagpaalam. Ganoon din ang paglabas ni Ma'am Hailey na nakakunot noo at agad na napalitan nang tuwa ng makita akong nakatayo doon. "Dannah..." Lumapit ito at kinausap ako sandali bago nagpaalam. Aakyat pa ito sa floor namin, may kailangang asikasuhin. Napabuntong hininga na lamang ako bago pumikit at sinandal ang ulo sa glass wall na nando'n. Pakiramdam ko pagod na pagod ako nitong mga nakaraang araw... Ngayon lang ako napagod ng ganito... Hindi dahil sa lahat ng mga kilos na ginawa, kundi sa pag-iisip na rin. Maya-maya'y narinig ko na tumunog ang cellphone. Tumatawag... Si Papa. Long Distance call. Kumunot na lamang ang noo ko bago sinagot iyon. "Dandan..." Tawag niya, rinig ko ang sabik sa boses niya. "Napatawag po kayo, Pa?" Mariing tanong ko sa kanya. Narinig ko ang buntong hininga niya, alam niya... Alam nila na ayaw ko na sa kanya... Kasi niloko niya si Mama. Si Mama na buong buhay niya ay inalagaan kami, inalagaan din si Papa. "I miss my princess..." Rinig ko ang lungkot sa boses niya. Ngunit sa halip na matuwa. Mas lalo lang akong nalungkot. "Kumusta po si Gail?" Iwas ko na lang. "She's perfectly fine Dandan. Your sister can walk na. Gusto mo ba siyang makasama? I can book you a flight here in L.A." Umiling-iling ako, kahit di niya nakikita. Humihigpit na rin ang kapit ko sa sout na dress. Parang makakalas na yata ang butones sa bandang dibdib, do'n na lang ako kumakapit sa sobrang inis. "Pa... I have to hung up na po, may work pa po ako." Tanaw ko kay Sir Quir na may dalang mga papeles at naghihintay ng elevator. Mukhang hindi ako napansin nito. "Ow... Sige. Mag-ingat ka Dandan namin." Napatitig na lamang ako sa hawak na cellphone. Kunot ang noo. Nakababa na ang tawag ni Papa. Inayos ko na lang ang nakusot na dress, sa bandang dibdib bago naglakad palapit kay Sir Quir. Napalingon sa akin si Sir Quir na bahagyang nagulat sa paglitaw ko do'n. Ngumiti ako at inabot ang ilang papeles na nasa isang kamay niya... Kumunot naman ang noo niya. "You look upset." Sabi niya, napalingon tuloy ako sa kanya. Nagtataka. Nababasa ba yon sa mukha ng isang tao? Posible. "Hindi naman po... Medyo pagod lang po." Tumango siya, sabay gulo sa buhok ko. Parang ginagawa na naman niya akong bata. "If anything bothers you. I'm here to listen." Ngumiti lang ako at yumuko... My 7 days were a bit busy, ngunit hindi na ito tulad noon. Marahil, dahil sa mga meetings na hindi naman gaanong mahaba sa listahan. Doon lang naman ako ginagabi. At nagiging abala. "Dan..." Kaway sa akin ni Jean, pinapalapit ako sa cubicle ng isa sa mga katrabaho namin. Lumapit ako para alamin kung ano iyon. "Birthday ni Sir ngayon... We're throwing him a surprise." Bulong niya sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko nang na-realize kung anong araw ngayon. Napakagat labi na lang ako. Nasa isang opisina kami ngunit nakalimutan ko siyang batiin. "Here... Paglabas niyo mamaya wag ka nang magtaka kung nawala na kaming lahat. Alam mo kasi... We're planning to surprise him at the lobby. Pagbaba niyo divert his attention to you para mabigla siya pag nag-ingay na kami." Tumango ako at kinagat pa lalo ang pang-ibabang labi. Naalala ko naman ang card na bigay niya, hindi ko pa naibibigay ang mga tickets na nando'n. Palingon-lingon lang ako kay Sir Quir na ngayo'y abala at nakayukyok sa mga papeles na naroon. Di ko alam kung paano ko siya kakausapin, nang hindi kinakabahan, nang hindi napaghahalataan. Ipinikit ko na lamang ang mga iniisip at saka muling nagbasa ng mga papeles. Nang mag-alas kwatro y media ay tumayo na si Sir Quir, nakatingala. Sabay titig niya sa akin na siyang ikinayuko ko. "Dani, it's time..." Sabi niya. Tinanguan ko ang sinabi niya bago tumayo at nagligpit ng mga gamit. Nahuli ko pa siyang kumunot ang noo bago umayos ng tayo at kinuha ang lagi niyang dalang bag. "Did you invite your friends?" Biglang tanong niya sa pagitan nang pagbaba ng elevator. Napalunok ako, hindi dahil sa wala pa akong na-iinvite kundi dahil talagang malapit na kami sa lobby at heto... Nagtatanong na si Sir. Ni hindi ko pa siya nababati. Paano ko naman haharapin 'to? "Nakalimutan mo na ba? Ang invitation?" Tanong niya nang hindi ako sumagot. Minsan, dumidiin na ang pikit ng mga mata ko habang nakatanaw sa numero na nasa itaas. Kailan ba matatapos 'to? "Dan... You're not asnwering..." Lingon niya. Napahinga lang ako nang malalim ng nasa lobby na kami. "Sir..." Tawag ko. "Hm?" Tanong niya. Napaawang ang mga labi ko hanggang sa sumigaw na ang halos lahat ng empleyado ni Sir Quir. Nagtataka naman ito ngunit agad ding napalitan ng ngisi. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa nangyari. "Happy Birthday, Sir Quir!" Sigaw ng ilan. May inabot na ring cake para sa iboblow nitong kandila. Nagkatinginan kami ni Ma'am Hailey... Naisipan ko na lang na lapitan siya sabay bigay ng tickets. "Para sa Bar Party ni Sir. Invited kayo, pati sina Jean at Alexis." Tumango ito sa sinabi ko. "Okay! Okay! You never failed to surprise me. But anyway, are you all free tonight?" Tanong niya habang dumudukot nang kung ano mula sa bulsa ng kanyang bag. "Let's go together at Spanx Bar. My treat." Agad na nagsigawan ang mga kasama namin sa lobby. Halatang biglang na-excite. Same thing for me... Akala ko kami lang... Medyo boring pagnagkataon. "Dan!" Tawa ni Ma'am Hailey nang binigay niya sa akin ang spare na damit nito. Napailing na lang ako, alam ko kung anong klasing damit na naman iyon. Alam ko rin kung para saan iyon. Kaso, magmumukha lang akong Maria kung hindi ako magpapalit. Busy na ang lahat, nasa dance floor na. Ako nama'y nagbibihis sa isang cubicle bago lumabas. Tumawa si Ma'am Hailey nang makitang sout ko na ang ipinahiram niya. Sumimangot na lamang ako bago sumunod sa kanya palabas. "Dannah... Naks, ka-sexy ba sa bata." "Po?" Tanong ko kay Jean. Umiling lang ito at pare-pareho na nila akong hinila sa dance floor. May napadaang waiter kay kumuha ako ng inumin. Pagod ako, at medyo nawawalan ng mood sa pagsasayaw. Kailangan ko ng alak. "Hi Dan, you drink din pala!" Sigaw ng isang katrabaho. Tumango lang ako at dinadahan-dahan ang pag-inom. Gumagalaw-galaw din naman ako kaso kailangan ko pa ng alak sa sistema ko para ganahan. Dumadami na kami sa dance floor. May ilang kumakausap na rin sa akin. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit sa dami namin do'n lahat sila ay sa akin lang nagtatanong. Usually, mga hobby. Nang matapos inumin ang huling patak ng alak, nilagay ko na 'to sa tray nang napadaang waiter. Sumabay na rin ako sa iba. Napapikit pa sandali, bago nagsayaw tulad nina Ma'am Hailey. Ginagaya ko na rin ang paggiling nila. Mas lalo namang nagwala ang mga kasama naming nagsasayawa. Napatingala ako't napapikit bago napatingin sa ikalawang palapag. Lumiit ang mga mata ko nang nakitang nakatanaw sina Sir dito sa ibaba, may hawak siyang baso habang nakalawit ang kamay sa ibaba ng harang. May mga kasama siyang lalaki. Na siguradong mga kaibigan niga. Nakatanaw din dito sa ibaba. Sa ikalawang pagkakataon na nagkasama kami sa iisang Bar, ni minsan hindi ko pa siya nakitang sumayaw. Nando'n lang... Nakatayo, kung minsan nakikipag-usap sa mga kaibigan. "Grabi Dan!" Rinig ko na sigaw ni Alexis bago tumabi sa akin at giniling-gilingan ako. Natawa tuloy ako at naputol ang pagtitig kay Sir. Ganoon din ang ilan naming mga kasama. Gumigiling, kumekembot. Minsan pag nasosobrahan na ay hindi ko na mawari kung ano ang ginagawa. Inangat ko ang buhok dahil sa init. Ngunit tuloy pa rin ang sayaw. Wala akong pangtali kaya ang nagawa ko na lang ay hawakan ito paitaas. "Dannah, you're too hot..." Sigaw ni Ma'am Hailey sa bandang tenga ko. Ngumisi lang ako at napapikit bago kumuha ng bagong inumin sa napadaang waiter. "Don't drink too much, Dan... Baka malasing ka." Sabi ni Jean. Umiling lang ako at inisang lagok ang inumin bago nilapag sa napadaang waiter na kinuhanan ko na naman ng inumin. Natawa sina Jean nang makitang pangatlo ko na ito... Talagang, kahit hilo ay hindi pa ako tinatamaan. Ewan... Parang nasasarapan na ako sa alak na nandito ngayon. "Hooooo...." Sigawan ng lahat nang bumaba sina Sir. Napatigil ako sa pagsayaw at tinitigan ang nakapamulsa naming Boss na ngumingisi para sa lahat. Kasama nito ang tatlong lalaking kausap kanina sa itaas. Muling nag-ingay ang nasa floor nang nasa gitna na sina Sir, sumasayaw. Ang kulit niya! Natawa tuloy ako. Habang nakatitig sa kanya... Sa klasi ng sayaw na medyo ewan... Magaling... Ngunit masyadong kengkoy. "Nakooo... Pag yan nagseryoso sa pagsasayaw, patay lahat ng panty natin." Komento ni Alexis. Natawa na lang ako at pumikit bago sumayaw ulit. Sumayaw na rin ang mga naging kaibigan ko sa kompanya. Pero ewan, siguro dahil sa nararamdamang hilo kaya parang pakiramdam ko ay may tumutulak sa akin... Pagdilat may nakita na naman akong napadaang waiter. Kinuha ko yong pinakamaliit... Na alam ko kung ano ang laman, bago nilagok ng isahan at kumuha ng lemon sabay lapag sa tray nang naghihintay na waiter. "What Dan?" Tawa ni Ma'am Hailey. Ngumisi lang ako, at parang tinatamaan na ako kasi hindi na focus ang pagtitig ko sa lahat ng bagay. "Dance Dani..." Sabi ng taong nasa tabi ko sabay hawak sa bewang ko mula sa likod. Napatingala tuloy ako at nakitang katabi ko na pala ang Boss namin. Ngumingisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD