Kabanata 5

1098 Words
MULING isinara ni Vivian ang pinto ng library. “Ma!” nakasimangot na sabi ni Vivian nang muling buksan ang pinto at pumasok sa library. “Muntik na akong tamaan ng pinalipad mong kopita.” “I’m sorry.” Nasapo ni Sonia ang sariling noo. “Nakakainit kasi ng ulo ang ginawa ng iyong ama!” “Speaking of him, nabanggit sa testamento na may kapatid siya. Bakit hindi niya nabanggit sa ‘tin?” Umupo ang dalaga sa silya. “I don’t know. Iyon nga rin ang ipinagtataka ko. Wala siyang nabanggit sa ‘kin tungkol sa kapatid niya at sa mga naiwang ari-arian ng kanilang pamilya.” Marahas na umupo sa ottoman chair si Sonia. “Inaasahan kong sa akin, o sa ‘yo mapupunta ang kumpanya. At ang nakakainis pa, iba ang inihalili niya sa posisyong Director. Matagal ko nang inaasam ang posisyong ‘yon kahit noong ang ama mo pa ang tumatayong Chairman ng board of directors ng kumpanya.” “Ma, anak ba talaga ako ni Papa?” seryoso ang mukhang tanong ng dalaga. Natigilan naman si Sonia. Hindi magawang salubungin ang tingin ng anak. “Of course. God! Kailangan mo bang pagdudahan ang iyong pagkatao?” “Bakit, gano’n? Mas maraming natanggap na pamana si Jewel kaysa sa ‘kin? Ngayon ko nga lang nalaman na anak sa labas ang babaeng ‘yon ni Papa.” “Kailangan pa bang itanong ‘yan, Vivian? Nakikita mo naman kung gaano kalapit sa isa’t isa ang iyong ama at si Jewel. Ikaw kasi mas gusto mong kasama ang barkada kaysa ilapit ang sarili sa iyong ama. O, ayan, naungusan ka tuloy ni Jewel na isang putok sa buho.” “Paano pa natin siya mapapatalsik kung sa kanya nakapangalan ang bahay?” “Hindi niya alam ang tungkol sa testamento ni Cesar. At ‘wag kang magkakamali na banggitin sa kanya ang tungkol dito. Hindi ako papayag na mapakinabangan ng babaeng 'yon ang ari-arian ng iyong ama. Wala siyang karapatan. Sampid lang siya sa ating pamilya.” “Wala na si Papa. Siguro panahon na para malaman ni Jewel na putok siya sa buho–” “No!” Mabilis na lumapit si Sonia sa anak. “Hindi niya dapat malaman ang tungkol sa kanyang pagkatao.” “Bakit?” Bakas ang pagtataka sa mukha ng dalaga. “Dahil natitiyak kong hahanapin niya ang kanyang tunay na ina. Baka maging dahilan pa iyon para malaman niya ang tungkol sa mga pamana na naiwan ng iyong ama. Tayo lang ang may karapatan tamasahin ang yaman na inagaw ng babaeng ‘yon!” UMAGA. “Hoy! Gumising ka’t huwag batugan!” sigaw ni Vivian sa paraang sinabunutan si Jewel nang gisingin. Napabalikwas ng bangon si Jewel. “Bakit, Ate Vivian?” “Anong bakit?” Nandidilat ang mga mata nito at nakapamaywang pa. “Bumangon ka. Wala na si Yaya Lourdes at Aling Pacing. Ipagluto mo kami ng makakain ni Mama.” Ikinagulat niya ang nalaman. Alam niyang umalis na si Yaya Lourdes. Pero ang kusinera nilang si Aling Pacing ay nakita niya pa kagabi sa kusina. “O, ano’t nakatanga ka pa riyan?” Humalukipkip si Vivian at sinipa ang higaan ni Jewel. “Narinig mo ba ang sinabi ko?” “A-ate,” tanging nanulas sa bibig niya. “Inutusan ako ni Mama na gisingin ka para ipaghanda kami ng almusal. May rehearsal pa ako. Ngayon, kung talagang bingi ka, o nagbibingi-bingihan, tingin ko'y si Mama ang dapat na pumarito sa silid mo.” Mabilis siyang naalarma sa sinabing ‘yon ng kapatid. Natatarantang niligpit niya ang higaan. “Ate, susunod na ako.” “Susunod ka rin pala, nag-iinarte pa. Bilisan mo't male-late na kami!” “O-oo.” Nagkukumahog siyang sumunod kay Vivian. Hindi na niya nagawang magsuklay ng buhok. Hindi siya sanay na hindi nagsisipilyo sa tuwing gigising sa umaga. Ngunit sa takot na mapagalitan ng ina at pagbuhatan ng kamay ay hindi na niya magawa ang mga bagay na iyon. Pagdating niya sa kusina, hindi malaman ni Jewel kung ano ang lulutuin. Ito ang unang pagkakataon na magluluto siya. “Ano, tutunga ka na lang diyan?” singhal ni Vivian sa kanya. Nakita siya nitong nakatitig sa loob ng fridge. “Nagugutom na ako!” “Ipagtimpla mo ako ng kape,” utos naman sa kanya ng ina. Abala ito sa pakikipag-usap sa hawak na wireless phone. Mabilis na tumalima si Jewel. Pagkatapos maibigay ang kape sa ina, kumuha naman siya ng itlog at hotdog sa fridge. Hindi niya napigilang mapasigaw nang tumalsik ang mantika sa kanyang leeg. “Prito na nga lang, sunog pa!” reklamo ni Vivian. Napilitang kainin ang almusal na hinanda ni Jewel. “H-hindi ako marunong magluto, Ate.” “Kailangan mong pag-aralan ang pagluluto dahil ikaw nang gagawa ng trabaho ni Aling Pacing.” Nakasimangot pa rin si Vivian. Hinila ni Jewel ang isang silya para sumabay mag-almusal sa mga ito. Ngunit hindi pa man lumalapat ang pang-upo sa silya nang pigilan ni Sonia ang dalaga. “Sinong nagsabi na sumabay ka sa ‘min kumain?” asik ni Sonia kay Jewel. “Mamaya ka na kumain pagkatapos namin. Huwag kang lalabas ng komedor. Kunin mo ang pitsel at punuin ng tubig ang baso namin.” “O-opo.” Pinigilan niya ang mapaluha. Wala naman bago sa pagtrato sa kanya ng ina, ngunit hindi pa rin siya nasasanay. Nasasaktan pa rin siya sa masamang pakikitungo nito sa kanya. Tumayo si Jewel malapit sa fridge habang pinagmamasdan ang ina at kapatid. Masayang nag-uusap ang mga ito habang kumakain. Gusto niya sana itanong kung bakit pati ang kusinera nila'y pinaalis. Subalit wala siyang lakas ng loob na gawin ‘yon. “Jewel, simula ngayon titigil ka na sa pag-aaral,” saad ni Sonia habang hinahalo ang mainit na kape. Napaawang ang bibig niya sa idineklara ng ina. Para siyang itinulos sa kinatatayuan. “Bakit po?” “Huwag kang magdrama. Makinig ka muna kay Mama,” singit naman ni Vivian, halatang naiirita. “Ma, bakit kailangan ko tumigil sa pag-aaral?” masama ang loob na tanong niya. Bumilis ang tahip ng kanyang dibdib. “Bakit hindi mo pa nilalagyan ng tubig ang baso ko, ha?” naiiritang singit ulit ni Vivian. “Jeez, I’m running out of time! Ang bagal kumilos ng sampid–” “Vivian!” agad na saway ni Sonia sa anak. Pinandilatan ng mata ang nakasimangot na dalaga. “I’m sorry. Ang kupad kasing kumilos ni Jewel!” Mabilis naman niyang kinuha ang pitsel at nagsalin ng tubig sa baso ng kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD