NAISIP ni Jewel na mas mahalaga kay Vivian ang career bilang modelo kaya ayaw mabuntis. “P-pero, Ma…” It’s unfair! Napakabigat naman yatang kasunduan niyon kapalit ng hinihingi niyang pagmamahal mula sa ina. “Ang iyong reaksyon ay nagpapahiwatig na hindi mo kaya. Puwes! Wala kang aasahan sa akin. Dahil iyan lang ang alam kong paraan para maging kapaki-pakinabang ka sa pamilyang ito!” asik ni Sonia na nagmumura pang tumalikod at pasuray-suray na naglakad palayo sa dalaga. Makailang beses napalunok si Jewel. Ayaw pa ring iproseso ng utak niya ang hinihiling nito sa kanya. Gano'n na ba siya kababa sa paningin ng kanyang ina para gawin ang hinihiling nito? Nagtatalo sa isip kung pagbibigyan ang ina o hindi sa kagustuhang gawin niya kapalit ng pagmamahal nito. Bakit ba napakahirap para sa

