Chapter 5
Umiiyak si Clyde habang tumatakbo paalis ng hospital. Nagkagulo naman ang mga naiwan niya sa hospital dahil sa away nila ni Misty.
“Ano ba kasing ginawa sa anak ko? Nurse Misty!” galit at nanlilisik ang mga mata ni Santi, nang sabihin niya iyon sa babaeng mukhang nakakaawa.
“Doc Santi, huminahon po kayo! Nakita niyo naman po na si Clyde ang nanakit sa kanya!” ani Mateo.
“Hindi nga siya sasaktan ng anak ko, kung wala siyang ginawa! Kilala ko si Clyde, Mateo! Kilala mo rin siya!”
“Bakit hindi mo sundan ang anak mo at tanungin mo siya!”
Pagtapos magsalita ni Mateo ay naglakad na ito paalis hawak ang kamay ni Misty. Nagsunuran naman ang iba pang doctor at naiwan na mag-isa si Doc Santi sa lugar ng pinangyarihan. Nakatingin ito sa pagkain na bitbit ng anak niya kanina at dinampot ito. Hindi naman natapon dahil maayos na nakatakip ang mga dalang pagkain ni Clyde.
Wala ang manager na si Ino, mag-iisang oras na naghihintay ang aplikanteng pinapunta niya. Nakatingin si Claudia sa lalaki, mag-iisang oras na rin kase siyang naghihintay kay Ino, pero wala pa rin ito.
“Ma’am? Nagkape na po kayo?” tanong ng isang receptionist niya.
“Huh?! Umm, Oo! Nagkape na ko!” sagot ni Claudia.
Hindi maalis ang tingin ni Claudia sa lalaki kada minuto. Naawa kase siya, dahil kanina pa naghihintay ang lalaking aplikante.
“Ma’am? Bakit hindi nalang kayo ang mag-interview? May emergency si Sir Ino ngayon, baka mas matagal ‘yan maghintay!” mahinahon na sabi ng receptionist.
“Huh?! Ako? Bakit Ako? Siguro kailangan ko ng mag-hired ng HR para sa ganyan,”
“Ngayon pa Ma’am? Alangan maghintay pa tayo ng mag-aapply na HR bago siya ma-interview?”
“Hindi ako marunong mag-interview!”
“Kaya niyo po ‘yan Ma’am Claud! Sige na po balik na po ako sa trabaho ko! Goodluck!”
“Huh?! Goodluck pa sakin huh!”
Natatawang umalis ang empleyado ni Claudia. Hindi na siya naghintay, pinuntahan niya ang lalaking i-interview-in niya. Nanlaki ang mata ng lalaki kay Claudia nang lumapit ito. Nakangiti itong tumayo at bumati kay Claudia.
“Goodmorning po Ma’am!” pagbati ng lalaki kay Claudia.
“Umupo ka na, ako ang boss ng SC Inn. Saint Claudia Smith. Wala si manger Ino kaya ako muna ang haharap sayo,” ani Claudia.
Inabot ni Claudia sa lalaki ang papel na pi-fill up-an niya. Pagka-abot ni Claudia dito ay bigla naman dumating si Ino at hingal na hingal ito. Kasunod nito ang lalaking kapatid ni Claudia at hingal din nang pumasok.
“Manager Ino? Bakit ngayon ka lang?” ani Claudia. “Clyde, ikaw? Akala ko sasabayan mo si Dad?” dagdag nito.
Kumuha si Claudia ng tubig at binigay sa dalawa. Kinuha ni Ino ang tubig na inaabot sa kanya ni Claudia, samantalang si Clyde naman ay galit ang tingin kay Claudia. Pag-abot ni Claudia kay Clyde ay hindi niya inaasahang tatapikin ito ni Clyde ng malakas.
Tumapon sa lalaking nag-aapply ang tubig, pati sa papel na sinusulatan nito. Pagtayo ng lalaki ay hinawakan ni Claudia ang katawan nito para punasan. Pero iba ang naging dating kay Clyde. Hinawakan ni Clyde ang kamay ng ate niya at kinaladkad papunta sa kwarto niya.
“Ino, ikaw muna ang bahala diyan!” sigaw ni Claudia, habang kinakalakad siya ni Clyde.
“Sige po Ma,am!” pag-aalalang sagot nito.
Pagkarating nila sa kwarto ni Clyde. Nagwala si Clyde sa harap ng ate niya, inaawat ito ni Claudia pero nahirapan siyang awatin ito. Kinuha ni Claudia ang isang vase at binagsak niya ito.
“AYAW MO TUMIGIL DI BA!! ANO BANG PROBLEMA MO!!” malakas na sigaw ni Claudia.
“IKAW ANG PROBLEMA KO! ‘YUNG KALANDIAN MO ANG PROBLEMA KO!” malakas na sigaw din ni Clyde.
*PAKK!!* malakas na sampal ni Claudia sa mukha ni Clyde.
“Malandi? Malandi ako?” naluluhang sabi ni Claudia.
“Oo! Ngayon ko lang nalaman ‘yung tungkol sa issue sa kasal niyo ni kuya Mateo! Kalat na kalat ‘yun sa buong hospital! Kalat don na nakipagkantutan ka sa crew!”
*PAKK!!* sanampal ulit ni Claudia si Clyde.
“SIGE!! SAMPALIN MO PA KO!! KAHIT ILANG BESES MO KONG SAMPALIN!! ‘YAN PA RIN ANG TINGIN KO SAYO!! MALANDI KA!!” malakas na sigaw ni Clyde.
“TAMA NAAA!! Tama na Clyde! Ayokong sayo pa marinig ‘yan!”
“Anong gusto mo? Ibang tao pa ang magsabi sayo na malandi ka!”
“Hindi ko pinagsisihan ang bagay na ‘yon! Dahil don ayaw sakin ng magulang ni Mateo!”
“Maraming paraan para umatras ka! Hindi kailangan gawin ‘yan sa sarili mo!”
“AYON LANG ‘YUNG NAISIP KO!!”
“Halatang sanay ka naman eh! Kung paano mo nga landiin ‘yung lalaki sa lounge kanina di ba?”
“Tumigil ka na Clyde! May dahilan ako kung bakit mo ginagawa ‘to!”
“Dahil lang kay Mateo! Dahil lang ayaw mong maikasal kay Mateo? Napakababaw na dahilan!”
“Oo! Mababaw na dahilan ‘yon sayo! Wala ka sa sitwasyon ko Clyde!”
“Lumabas ka na! Aalis na ko sayo! Ayaw ko nang makita yang pagmumukha mo kahit kailan!”
“Clyde?”
“LABAS!! LUMABAS KA NA!!”
Nanginginig na lumabas si Claudia galing sa kwarto niya. Tumawag naman ang daddy nila kay Claudia, para itanong dito si Clyde.
“Nandyan ba si Clyde?” galit na tanong ni Santi.
“Ano bang nangyari d’yan! Pano nalaman ni Clyde ang nangyari sakin sa kasal!” galit din na sagot ni Claudia.
“Sinabi ng kabit ng asawa mo! Kaya inaway din siya ni Clyde kanina! Nasaan si Clyde? Gusto ko siya makausap!”
“Hintayin mo nalang makauwi!”
Pagkababa ni Claudia ng tawag ay bigla itong nagwala. Tinulak niya ang halaman na nasa hallway at tumili. Sabay naman nang paglabas ni Clyde at may dala itong maleta niya.
“Huwag na huwag ka nang lumapit sakin kahit kailan!” ani Clauadia, tsaka naglakad paalis.
Hindi pinansin ni Clyde ang sinabi ng ate niya. Tuloy ang pag-alis niya at hindi na rin siya pinigilan ni Claudia.
Nag-aayos si Claudia para puntahan sa hospital ang babaeng nagsabi kay Clyde nang issue. Galit na galit ito habang nag-aayos. Pagtapos mag-ayos ay lumabas na ito at sinalubong naman siya ni Ino at sinundan hanggang sa carpark.
“Ma’am? Anong nangyari? Naririnig po kase sa labas ang mga sigawan niyo ni Sir Clyde kanina,” ani Ino.
“Nag-away kami! Inaway niya ko dahil nalaman niya ‘yung nangyari samin nung crew!” ani Claudia.
“Hays! Ma’am, sabi ko naman sayo eh! Dapat maging handa ka diyan! Ngayon nalaman na anong gagawin niyo? Paano kayo ni Sir Clyde?”
“Bahala na ko sa problema ko Ino, ikaw na ang bahala dito ah! Salamat sa concern mo,”
“Mag-iingat po kayo Ma’am!”
Pagkaalis ni Claudia ay nakita niya pa si Clyde na sinasakay ang maleta sa taxi. Huminto si Claudia at hinintay niya si Clyde hanggang makaalis ang taxi nito. Pagkarating ni Claudia sa hospital ay saktong bumungad sa kanya ang babaeng nakaaway ni Clyde nung umaga.
“Dito pala kita makikita, akala ko sa office ni Mateo,” ani Claudia.
“Anong kailangan mo sakin?” ani Misty.
“Mahilig ka ba talaga makisawsaw?”
“Alam mo tapos na ko sa gulong ‘to! Pag pinatulan kita baka matanggalan ako ng trabaho!”
“Sa’kin kase hindi pa tapos eh! Tingin mo ba mahal ka talaga ni Mateo? Binili niya pa ko sa magulang ko! Ganun niya ko kamahal!” ani Claudia.
Lumapit si Claudia kay Misty at tutukan sa mukha, mismo sinabi ni Claudia ang.
“Tandaan mo! Sawsawan ka lang! Hanggang diyan lang ang linya mo! Huwag kang makikisawsaw!” ani Claudia, binangga niya ito at pumunta sa office ni Mateo.
Naglalakad pa lang siya papunta sa office ni Mateo ay iba na ang tingin sa kanya ng mga nurse at doctor. Iniiwasan siya ng mga ito. Pagpasok niya sa office ni Mateo ay saktong nandoon din ang chairman.
“Goodafternoon po Chairman!” nakangiting bati ni Claudia.
“Anong ginagawa mo dito?!” gulat na tanong nito.
“Nandito po ako para bisitahin ang asawa ko!”
“Maiwan ko na kayo,”
Lumabas ang daddy ni Mateo at naiwan silang dalawa sa loob. Masama na ang tingin ni Claudia kay Mateo pagpasok pa lang nito. Kaya alam na ni Mateo na aawayin na naman siya nito.
“Kamusta si Clyde?” tanong ni Mateo.
“Kailan ka pa naging concern kay Clyde? Di ba ganun din naman ang gusto mong mangyari sakin! Maging pokpok ako! Malandi! Bakit kailangan pang sabihin niyo sa kapatid ko!” galit na sagot ni Claudia.
“Ha Ha(Laughing), Claudia! ‘wag na ‘wag mong sinisisi sakin na naging ganyan ka! Hindi ko gustong maging ganyan ka!”
“Ha Ha(Laughing), Mateo! Dinala mo ko sa bahay mo at pinasok mo ko sa kwarto na puro s*x toy at damit na pang-s*x! Pinapunta mo barkada mo sa bahay mo, para ano? Pag-pyestahan niyo ko!”
“Claudia! Tama na may makarinig sayo!”
“Takot kang malaman nila ang ginawan mong pambabastos sakin? Buti nalang nakatakas ako! Ha Ha(Laughing), pangarap mo na matikman ako di ba? Umalis ako sa pagiging nurse ng hospital na ‘to! Dahil binastos din ako ng daddy mo! Sana hindi niyo gawin kay Misty ‘yan!”
“Claudia! Tumahimik ka na! Ano bang gusto mo!”
“Humingi ka ng tawad kay Clyde at sakin! Sabihin mo kay Clyde lahat kung bakit ako ganito! Kapag nasabi mo ‘yan kay Clyde, hindi ko sasabihin kay Misty ang tungkol sainyo!”
“Ha Ha(Laugh Maniacally), Nagkakamali ka ng pagkilala kay Misty!”
“Babae niyo pala siya ng daddy mo! Ha Ha(Laughing), like father, like son! Parehas kayo ng pukeng sinasawsawan!”
“CLAUDIA!!”
Lumabas na si Claudia sa office ni Mateo at habang kausap niya ito ay pasimple niyang kinakabit ang maliit na hidden camera sa office nito. nakita niyang nakatayo ang chairman sa harap ng pinto paglabas niya, walang tao sa labas tanging sila lang dalawa.
“Long time no see, Nurse Claudia!” ani Doc Salazar, ang daddy ni Mateo.
“Nice to meet you again, Doc Salazar!” ani Claudia.
“Halos mag-iisang buwan na simula nung kasal niyo ni Mateo, musta ang buhay mo ngayon?”
“Magpa-file na ko ng annulment! Ako na ang magpa-file dahil pinapatagal ni Mateo!”
“Buo na ba ang desisyon mo? Hindi mo ba iniisip ang career ng daddy mo?”
“Career niya ‘yon! Hindi ko na problema ‘yon!”
“Goodluck!”
Bumalik ulit sa loob ng office ang chairman at umalis na si Claudia. Pagpasok sa loob ng chairman ay sinermonan agad nito ang anak niya.
“Bakit ang tagal ng annulment niyo! Madaliin mo na ang proseso!”
“Pa! Inaasikaso ko naman! Kakausap ko lang ngayon kay attorney!”
“Wala talagang takot ang anak ni Santi eh!”
Paglabas ni Claudia ng hospital at pagpunta sa kotse niya ay nakita niya ang sulat sa kotse niya gamit ang lipstick.
“Pvtang ina! Dinumihan mong pokpok ka ‘yung kotse ko!” sigaw ni Claudia.
Pinunasan ni Claudia ng tissue ang kotse niya. Nagulat si Claudia ng biglang kunin ng daddy niya ang tissue at tinulungan siya nitong magpunas. Habang nagpupunas ay tinitignan ni Claudia ang daddy niya. Hanggang sa matapos na nila punasan ang kotse.
“Sa susunod anak, pagpupunta kayo dito sasabihin niyo sakin para maprotektahan ko kayo sa mga taong nagkakalat ng issue,” ani Santi.
“Dad? Ayaw mo bang lumipat sa ibang hospital?” seryosong tanong ni Claudia.
“Okay na ko dito,” maikling sagot nito tsaka umalis.
Hindi na tinawag ni Claudia ang daddy niya. Sumakay na siya ng kotse tsaka umalis. Habang nasa kotse si Claudia ay tumatawag sa kanya ang mommy niya pero hindi niya ito pinapansin.
Nang makarating na siya sa SC Inn ay sinalubong siya ni Ino. Nagmamadali ito tumakbo papunta sa kanya.
“Bakit? Anong meron?” tanong ni Claudia.
“Si Sir Clyde daw po nagwawala sa bahay niyo, tumawag sakin ang mommy niyo!” natatarantang sagot ni Ino.
Bumaba si Claudia at dire-diretsong pumasok sa Inn. Sinundan naman siya ni Ino at sinasabi pa rin ang problema sa bahay ng mommy nila.
“TAMA NAAA!!” pagsaway ni Claudia kay Ino. “Ino, hayaan mo na sila! Problema nila ‘yon!” dagdag nito.
“Ako kase kapag may ganyan problema lalo na ang pamilya ko! Pupuntahan ko sila para ayusin ang problema! Diyan ka na! Uuwi na ko! Hinintay pa kita para sabihin yung problema mo! Tapos wala ka palang pake!” ani Ino.
Pag-alis ni Ino ay umupo muna si Claudia sa lounge. Nakatulala ito at nag-iisip. Sinisisi niya ang sarili niya at pinagsisihan ang mga nagawa niya, lalo na ang nangyari sa kasal nila ni Mateo.
Habang nakaupo at tulala, nagulat si Claudia sa pag-ring ng cellphone niya. Pagtingin niya ay tumatawag si Clyde sa kanya kaya agad niyang sinagot ang tawag na iyon.
“Ate? Sorry, sorry talaga dahil iniwan kita! Hindi kita napagtanggol sa ginagawa sayo ni kuya Mateo! Wala akong kaalam-alam na binabastos ka niya! Papatayin ko si Mateo! Papatayin ko siya!” ani Clyde, sabay baba niya sa tawag.
“Clyde? CLYDE!” sigaw ni Claudia.
Nakatingin na sa kanya ang mga tao na nasa lounge papuntang kusina, dahil sa malakas na sigaw niya na ‘yon.
Fb: Migscreations Story
Dreame: Migscreations
Wattpad: Migs_Creations
Please read my other story/s!
Bring Back Memories and Sino Ang Dapat Kong Mahalin.
And support my PTR story
BLOOD ACES!
Thank You for Reading!