CHAPTER TWENTY-NINE: ••• ••• [ SOMEONE POINT OF VIEW ] NAKATUTOK ako sa monitor, palihim na binabantayan ang Ferrary Mansion. Walang bagong pangyayari, pero hindi ako nagpapakampante. Ilang oras na akong nagmo-monitor—kasama na ‘yan sa routine ko, lalo na kapag si Minutes ang kasama nila. 'Protector pa talaga?' Napailing ako habang pinapanood ang CCTV feed ng silid ni McHael Nick Ferrary. Nakaupo ang kapatid ko sa sahig, nakasandal sa gilid ng kama, mahimbing ang tulog. Napabuntong-hininga ako. Alam kong malakas siya, pero bilang ate, hindi ko maiwasang mag-alala. Then, bigla kong naalala ang eksena na nangyari noong Isang araw sa kan'ya. Muntik ko nang masira ang laptop ko sa ginawa ng amo niya! D*mn that boy! Mal*l*nt*k*n talaga yun siya sa'kin!!! 'Demeter, bakit ka ba pumayag

