"This is all my fault," narinig kong sabi ni Bryan sa sarili niya habang nakayuko. Kasalukuyan kami ngayong lulan ng sasakyan papunta sa hospital. Perisha is the one driving habang si Vanessa naman ay nakaupo sa tabi niya. Kaming dalawa lang ni Bryan ang nandito sa likod.
Parang dinurog ang puso ko habang nakatingin kay Bryan na nanginginig dala ng sobrang kaba. "I can't tell you what you need to hear but I can only let you know that everything will be once we make sure that Tina is fine." sabi ko sa kaniya at hinawakan ang nanginginig niyang kamay.
Bryan cried in silent. Nagtama ang tingin namin ni Perisha sa salamin kaya sinenyasan ko siya na bilisan niya ng kaunti ang pagmamaneho. Hindi naman tumagal ta nakarating na kami sa hospital.
"Bryan! Wait!" wala na akong nagawa nang mabilis na bumaba ng sasakyan si Bryan at tumakbo. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang sasakyan na paparating. "Bryan!" tawag ko sa kaniya pero hindi manlang niya ako pinansin at deretso lang sa pagtakbo. Ni hindi manlang niya pinansin ang sasakyan.
Before I could even think of what I should do ay natagpuan ko na lang ang mga paa ko na tumatakbo pasunod kay Bryan. "Tina!" I heard my friends called me from behind, probably to stop me but it's too late.
I ran as fast as I could and tried to reach for Bryan bago pa man siya tuluyang masagasaan ng sasakyan. Tila bumagal ang pagtakbo ng panahon nang tuluyan ko na siyang naabot at hinila pabalik. Dahil na rin siguro sa adrenaline rush na dumadaloy sa katawan ko ay walang hirap na nahila ko pabalik si Bryan.
"f**k!" malutong na mura niya nang malakas na pumito ang sasakyan.
Natigilan ako nang mapatingin ako sa driver ng sasakyan at nakita na tulala lang ito habang nagmamaneho habang sa likod naman nito ay may isang pigura na tila kumakapit sa magkabilang balikat niya at bumubulong dito. 'Is that man being possessed'. Ni hindi manlang alintana ng driver na muntik na itong makasaga ng tao at dere-deretso lang sa mabilis na pagpapatakbo nito ng sasakyan.
"Tina!" habol ang hininga na tawag sa akin ni Vanessa at napasapo ng tuhod niya nang tuluyan nila kaming maabutan.
Walang emosyon na hianrap ko si Bryan na ngayon ay tulala at tila pinoprosesa pa ang nangyari. He looks like he was about to say something nang bigla ko siyang sinampal. "TINA!" gulat na bulalas ni Vanessa at akmang lalapit sana sa akin pero pinigilan siya ni Perisha.
"What are you doing?" malamig na tanong ko kay Bryan at nilapit ang mukha ko sa kaniya. "I know you are in a hurry to see your sister. But you should at least be careful! You almost threw your life just now!"
"I-I'm sorry. I-I don't know what's going on in my mind. I-I was just running and couldn't hear anything. All I could think of is my sister and-" hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Bryan nang mula sa likod niya ay nakita ko ang itim na anino na biglang nawala. Now I know why that happened.
'Are these creatures latch on to people to push them to kill themselves?' Parang kagaya ng nakita ko sa driver kanina. I can still even remember the blankness of his eyes. Itim na itim iyon at tila walang buhay.
"Tina?" napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang boses ni Bryan.
"I-I see," hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko. Sinampal ko ba naman si Bryan tapos hindi naman niya pala kasalanan iyon. "I'm sorry," mahinang sabi ko at tumingin sa kabilang direksyon.
"It's okay. Thank you for saving me," sincere na sabi niya habang titig na titig sa akin. I smiled a little bit to him at tinignan ang mga kaibigan ko na tahimik lang na nanonood sa aming dalawa.
"Tara," yaya ko sa kanila at nauna nang maglakad.
We immediately went to the room kung saan ang mga critical patients namin. Meron din doctor on duty para sa ganitong mga cases.
"Dr. Vera." pormal na bati sa akin ng doctor on duty.
"Dr. Palete," tipid ang ngiting bati ko sa kaniya at nauna nang pumasok sa kwarto kung saan si Tina. Agad na nanayo ang balahibo ko nang binati ako ng kakaibang lamig ng kwarto ni Tina. Tinignan ko si Dr. Palete pero tila hindi naman niyon alintana ang lamig, as well as Vanessa na sumama rin.
"Dito ka muna, I'll check her up first," sabi ko kay Bryan. Tinignan ko si Perisha na agad tumango nang maintindihan ang ipnahihiwatig ko. She assisted Bryan to seat on the bench sa hallway habang kaming tatlo naman ay tuluyan nang pumasok sa loob.
Umawang ang labi ko nang makita ko ang sitwasyon ni Tina. Sobrang putla ng mukha niya habang nakakabit siya sa sangkatutak na mga IV lines. Sa kabilang kamay naman niya ay may dugo na binibigay sa kaniya. Both of her entire arm are wrapped in bandage which is soaking in blood. "What happened?"
"She borrowed the can of soft drinks. Iyon ang unang pagkakataon na nagsalita siya at nagpaalam ng kung ano ang gusto niya so the nurse took advantage of it thinking that she is finally cooperating. Naabutan na lang namin siyang duguan pagkatapos niyang sugatan ang magkabilang palapulsuhan niya," paliwanag ni Dr. Palete.
"Oh god," naiiling na sabi ni Vanessa. Marahan kong hinimas ang likod ni Vanessa. I know suicide is a sensitive topic for her. She lost her brother due to suicide.
"Thank you Dr. Palete. I'll take it from here." Tipid na tumango si Dr. Palete at tinapik ang balikat ko bago nauna nang lumabas.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ko kay Vanessa na bigla na lang namutla at pinagpapawisan.
She gasped and nodded a little bit. "I'm sorry. Medyo sensitive lang kasi ako sa ganitong usapan. P-Parang kahapon lang nangyari ang lahat," nanghihinang sabi niya at umupo sa isang upuan sa tabi.
Maingat na umupo ako sa tabi niya at nakikisimpatyang tinignan siya. I was there when his brother was buried. Iyak ng iyak si Vanessa noong time na iyon. After that ay halos hindi na siya kumakain at pumapasok sa school. Mabuti na lang at nadala siya ng parents niya for rehab kaya naka-recover siya. Mabuti na lang rin at matalino si Vanessa.
"Suicide is a real thing. It's never a joke. I've seen it with my own eyes, Krystina. How my brother changed drastically. He was goofy and smart. He loves going out with his friends and spends his weekend with us his family. He had good grades and was in athletic team. Any man would be jealous of him. I thought he was happy but that's what I thought." Naluluhang kwento ni Vanessa.
"It was a normal day, Krystina. I didn't think that one normal day would create a big impact and leave a hole in my life," naiiling na sabi niya at tinakpan ang mukha niya.
I pulled vanessa close to me and hugged her tight. "You were a good sister to him, Vanessa. We may lack in some aspects of our life but you know well that you were good to him as you are a good friend to me," malambing na sabi ko sa kaniya.
"I'm sorry I was not there when you needed me," Vanessa sobbed.
Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kaniya nang naalala ko naman ang mga panahon na ako lang mag-isa sa loob ng kwarto ko at umiiyak. "It's okay. I understand," pilit ang ngiting sabi ko but deep inside me I feel heavy. Most of my friends left me that time pero hindi ko na inisip iyon. Kahit masakit sa akin ay inisip ko na lang na meron na kaming kaniya-kaniyang career. Others offered their presence but then I chose to push them away dahil na rin sa kagustuhan ko.
I don't want them to see me at the lowest point of my life.
Ilang minuto pa kaming nanatili sa ganoong sitwasyon ni Vanessa before she finally decided na mauna nang umuwi dahil anong oras na. Ilang araw na rin kasi siyang hindi umuuwi sa bahay nila kaya hinahanp na siya ng parents niya. "Thank you, Krystina," malambing na sabi ni Vanessa and hugged me one more time nang hinatid ko siya sa pinto.
"Remember that I am just here whenever you need me, alright?" Sincere na sabi ko at tinignan siya sa mga mata niya.
Vanessa smiled and opened the door. "You are a good friend, Krystina." sabi niya bago tuluyang lumabas ng kwarto. Napakunot ako ng noo when I suddenly felt weird but then I decided to dismiss it. Sinilip ko si Bryan sa labas para sana tawagin siya na pumasok na pero nakita ko siyang tulog habang nakasandal sa balikat ni Perisha na dikit na dikit ang kilay.
Hindi ko maiwasang mapangisi habang pinapanood siya na sinyasan ako na kunin daw si Bryan sa balikat niya pero hindi naman niya magawa sa sarili niya. "Tell him to come in when he's awake," natatawang sabi ko at bumalik sa loob ng kwarto.
Maingat na lumapit ako sa tabi ni Tina at naupo sa upuan na nasa tabi niya. "Hanggang kelan ka magpapanggap na tulog ka?" agad na nagmulat ng mata si Tina nang marinig ang sinabi ko.
Galit na tingnan niya ako." Bakit niyo ba ako pinapakealaman? bakit ba hindi niya na lang ako kayang pabayaan na mamatay?" marahas na tanong niya.
I sat straight and remained my composure. "Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kung malaman nila na pinabayaan ka namin na mamatay? our hospital would sure be closed."
Tina blinked many times as if she wasn't expecting what I said. "Why? were you expecting me to comfort you?" malamig na tanong ko. Hindi naman kaagad nakasagot si Tina na halatang parang maiiyak.
Lumambot ang expresyon ko sa mukha nang makita kong tumulo ang luha sa isang mata niya. "You know you can tell me whatever you want to say. I am here not as a doctor but someone who will listen to you and believe you." sincere na sabi ko at hinawakan ang kamay niya.
Tina looked at our hands. I felt her gently squeeze my hand bago naluluhang nagtaas ng tingin sa akin. "I-I was wronged. Ako ang ginawan ng mali pero bakit pakiramdam ko ay kasalanan ko ang nangyari? Even my parents and brother told me that it was my fault!"
Nagulat man ay hindi ko na lang pinahalata. Bigla ko tuloy naalala ang huling pinag-uusapan namin ni Bryan kanina. "hindi ko lang maiwasang maisip ang huling pag-uusap namin ni Tina. We had a really big fight that time dahil-" hindi ko na alam kung ano ang karugtong ng sasabihin niya because my phone rang that time. But I guess he was pertaining to what Tina is talking about.
"Sa tuwing tinitignan ko ang sarili ko sa salamin ay nandidiri ako. Hindi ko na makita ang dating ako. Ang dumi-dumi kong tao!" Tina started scratching her own skin. At the same time the temperature of the room started to decrease even more na nakikita ko na ang usok mula sa hininga ko.
I started to feel the familiar presence that I felt that day when I saw Bryan hanging himself. 'Is this the presence of death?'
Tinignan ko si Tina na humahagulgol habang patuloy na kinakalmot ang sarili niya. Gusto kong ibuka ang bibig ko pero pakiramdam ko ay bigla akong napipi. The image of Tina started to blur. Suddenly, she seems so far to reach.
"You are not dirty, Tina."
Napasinghap ako when I felt like I was swallowed back to reality. Habol ang hininga na sinapo ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ang mabilis na t***k ng puso ko. I was panting when I noticed Bryan standing beside me. He is staring at Tina with a teary eyes.
"Anong ginagawa mo dito?!" marahas na tanong ni Tina and was about to throw a tantrum nang marahang hinawakan ni Bryan ang kamay nito.
"I'm sorry, if you feel like I blamed you for what happened. I won't make any excuses for what I said but I am extremely sorry for failing you as a brother." Bryan swallowed hard at tinignan ang kamay ni Tina. Halatang nagdadalawang isip pa siya kung gagawin nga ba niya iyon pero sa huli ay hinawakan niya rin.
"Tina, you were never at fault. You are a victim. And I am here because I believe you. I will do everything to bring justice to you. In fact, I already prepared everything. So when you are ready to come out, know that I will be here holding your hand and fight beside you in attaining the justice you deserve."
The coldness in Tina's eyes slowly went away kasabay ng pagkawala ng mabigat na presensya na nararamdaman ko kanina. "K-Kuya!" nanginginig ang boses na sabi ni Tina who eventually burst into tears.
Bryan laughed a little bit habang naiiyak rin. "You're still my baby sister," malambing na sabi niya and pulled Tina into a hug. Pati tuloy ako ay hindi maiwasang maiyak habang pinapanood sila.
All those sleepless nights that we had, trying to find the needed evidence to bring justice to Tina will soon be rewarded.
I gently stood up and decided to leave to give them the time and privacy they need. Nakangiting nilingon ko sila na madamdaming magkayakap pa rin bago ko tuluyang sinarado ang pinto.