Bigla na lamang akong nagmulat ng mga mata ko at pawisan na bumangon. Malakas akong umubo nang maramdaman ko ang biglang pagpasok ng hangin sa baga ko. Ramdam na ramdam ko ang sobrang panghihina ng buong katawan ko na tila ba hinigip ang lahat ng enerhiya ko at para akong lantang gulay ngayon. Agad kong pinakiramdaman ang buong katawan ko nang maalala ko ang nangyari. I don't feel anything wrong me aside from the fact that I feel so full na para akong masusuka sa sobrang kabusugan at nakahiga ako sa sahig. Napangiwi ako nang makita ko ang kamay ko na puno ng pagkain. 'It was just a dream.' I thought when I realized that I don't feel different. Hindi ko maramdaman sa sarili ko na may gumalaw sa akin. "What was that," tulalang sabi ko at sinapo ang noo ko. Mariin kong pinikit ang mga

