Labing-apat

1537 Words
‘Tarantado ka, Cornell!” Hindi ko nagawang awatin pa ang kaibigan dahil pati ako ay nanigas na rin sa kinatatayuan. Madaling tinungo ni Tina ang dalawa, pinagsusuntok nito si Cornell mula sa kinatatayuan nito pero hindi man lang nagagalaw ang asawa ko noon. It took me minutes before it sinks in my mind. Parang bigla akong naging cellphone na biglang nagshut down. Zeina is six weeks pregnant pero apat na linggo pa lang simula noong nagawa ko silang mahuling dalawa. This only means that it is prior to that. Magkakilala na ba ang dalawa bago kami maaksidente ni Cornell? It was pure infidelity. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. I really thought I was really okay. Akala ko tuluyan ko nang natanggap ang sitwasyon not until now. It was like I am that numb that I can feel my body become numb. Nakakatawa iyon. Nakakatawang pakiramdam ko na I am used to the pain yet nararamdaman ko pa rin iyon. Nakakatawa. Nakakaawa. Nakakaawa ang sarili ko. Kung tutuusin alam ko naman na mali na ito simula pa lang. Masyado lang akong tanga para tanggapin. Pero tanga ba talagang matatawag kung ang alam ko lang ay nagmahal ako? That I loved Cornell with all of me. Na ginawa kong maging tapat sa pangako. Tanga ba ako kung mas pinili kong lumaban kaysa sumuko? Tanga ba ko kung nagtiwala akong pwede pang magbago ang asawa? Tanga nga siguro. Tanga ka, Felicity. Iritang-irita na ako sa’yo. “Tarantado ka! Dapat talaga hindi na ikaw ‘yung pinakasalan ni Felicity! Wala kang kwenta! Nadito ka pa pero sinusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno−“ Mahihina kong hinihila ang laylayan ng damit ng kaibigan kong hindi pa rin tumitigil. “Hindi ba eto naman ang gusto ni Felicity? Magkakaanak na kami. You should’ve be grateful to Zeina.” Napapikit na lang ako sa sagot na iyon ni Cornell. Ibang-iba na talaga ang takbo ng utak niya. Parang ibang tao na siya ngayon. “Ah, magpasalamat kami sa babaeng ‘to?” Dinaanan kami ng gulat noong malakas na sinampal ni Tina si Zeina. Hindi rin iyon inasahan ng babae kaya halos mabuwal ito sa pagkakatayo. “Ayan! Thank you!” Gaganti dapat si Zeina ng sampal pero mabilis iyong naharang ng kaibigan ko. “Cornell, pagsisisihan mo ang lahat ng ‘to. Darating ang panahon, ikaw na naman ang magmamakaawa kay Felicity na tanggapin ka. Binigyan ka na niya ng pagkakataon ngayon pero ako mismo ang sisigurong huli na ‘yun.” Mabilis akong nilapitan ni Tina saka hinila papalapit sa dalawa. Tiningnan ako nito nang matalim. She wants me to speak up. Gusto ko rin talagang magsalita at sabihin ang lahat ng nararamdaman ko pero nang titigan ko ang asawa at nakita ko ang mga mata niya ay parang naputol ang dila ko. “Kung hindi kayang magsalita ni Fely, dahil ‘yun sa hindi ka na niya ginagawang pag-aksayahan ng oras. He trusted you! Hindi sapat ang salitang ‘gago’ para i-describe ka!” Mabilis na nagwalk-out si Tina dahilan para maiwan ako roon sa harapan nila. Hindi ko nakontrol ang sarili kong tingnan ang tyan ni Zeina. Ako dapat ‘yan, eh. Ako dapat ang buntis. Ako dapat ang itinuturing na asawa. Sa huli, tiningnan kong muli si Cornell gamit ang malulungkot na mga mata. Ibinuka nito ang bibig na parang may gustong sabihin pero mabilis akong umiling at ngumiti na lang. “Cornell, sobrang kinamumuhian kita.” Pagkatapos kong umalis roon, sinundan ko ang kaibigan sa labas. Hindi pa rin siya nakakakalma sa sobrang galit kaya minabuti kong yayain siya kung saan. At ang ending, alak ang kaharap namin. Gustuhin ko mang humindi, parang sa ganitong paraan ko na lang sa ngayon matatakasan ang sakit. Kahit pa sigurado akong aapuyin ako ng lagnat kinabukasan dahil sa alcohol ay walang pagdadalawang-isip kong nilagok ang basong kaharap. Hindi ko maipaliwanag ang init na pumasok sa lalamunan ko. Bumungkaras ako ng tawa pagkatapos. Wala na kasing mas papait pa sa nararamdaman ko ngayon. Walang alak na tatapat sa pait na mayroon ang sitwayon ko. “Tarantado talaga ‘yang asawa mo. Pa-perfect pa. Ano nga ulit sabi niya? Kuntento na siya sa’yo? Una gusto niya ng anak, pangalawa ibang babae na gusto? Hindi talaga ako makapaniwala. Ang kapal ng mukha!” Tahimik lang ako sa kinauupuan, maya’t maya ang pag-inom. Ganito naman talaga ang sistema tuwing lalabas kami ni Tina para uminom. Magkaibang-magkaiba naman kasi kaming dalawa. Siya iyong maingay at puno ng reklamo samantalang ako iyong palaging nakikinig lang. Sanay na rin siya sigurado sa pagiging tahimik ko. “Kaya ayokong mag-asawa, eh! Sakit lang ‘yan ng ulo. Kahit pa hindi ako magkaroon ng sarili kong anak, basta hindi ko kailangang magtiis sa mga lalaking ‘yan. Napakaraming batang nangangailangan ng pamilya, iyon na lang ang pipiliin ko. Hindi ko ibubuhos ang sarili ko dyan sa mga lalaking gagaguhin din ako sa dulo.” Tuloy-tuloy lang nitong sabi. Naubos naming ang buong isang oras sa ganitoong posisyon. At sa lima-limang minutong pag-inom ko ay lagpas sampung baso ng alak na ang pumasok sa sistema ko. “I didn’t want any of these, Tin.” Iyon ang unang ambag ko sa usapan. Madaling napataas ang tingin ni Tina sa akin. Pinangkitan niya ako ng mata bago mapagtantong nasa Stage two na ako. Palagi niya kasi iyang sinasabi sa akin. Madalas kasi nitong napapansin ang mga kilos ko tuwing umiinom. Stage one, the quiet Felicity. Stage two, drama queen – iyon na iyong ngayon. Hindi niya pa kinukwento sa akin kung anong nangyayari kapag umaabot ako sa Stage three dahil masyado na raw masama. Baliw talaga. “Noong highschool, he was the worst. Na-kwento ko na iyon sa’yo, ‘di ba? But then he changed. Nang naging okay na siya, ako naman ang napagtuunan niya ng pansinin. He became perfect. He became the apple of the eye of everyone. . . the man of their dreams. Marami namang nagkakagusto sakanya pero pinilit niya pa rin akong ligawan kaya pumayag ako. Later on, I realized that I like him, na hindi lang basta kaibigan. Naging kami and he was f*****g perfect!” Bumungkaras ng tawa ang kaibigang kasama. “You cussed! That’s exceptional!” “Tina naman, eh.” Nakahawak na siya sa tyan ngayon kakatawa. Kinuha ko ulit ang baso at pinuno ko iyon sabay agad na ininom. “Fely, you don’t need to tell me how it all started. You need to tell me how it is now. Sabihin mo ‘yung nararamdaman mo ngayon! Tell me how much you hate that asshole,” pasigaw na nitong sabi sa akin. Actually, wala na kaming pakialam sa kung sino man ang makarinig. In fact, sobrang lakas din naman ng soundsystem sa bar na ito kaya sino nga ba talaga ang makaririnig sa amin. “I hate him,” sabi ko sabay inom ulit. Umaalon na ang paningin ko pero ipinagsawalang-bahala ko na iyon. Pareha lang naman ang epekto, lalagnatin lang din naman ako kinabukasan kaya bahala na. “That’s all. Hindi ko na kailangang aksayahin pa ang laway,” mapait ang pagkakasabi ko kaya naman halos mag-echo ang tawa ni Tina sa buong lugar. Tina is drunk. Sigurado ako roon. Natawa na lang din ako sa posisyon niyang halos halikan na ang mesa. “Naiihi na ako. Where’s that b***h−“ Sabay na kaming tumawa ni Tina. “−I mean the bathroom.” “Go straight! Kaya mo ba mag-isa?” Napailing na lang ako, pagkatapos ay binalingan muli ang kabigang nakapikit na roon. “Sa’yo ko dapat tinatanong ‘yan.” Tinungo ko ang direksyong sinabi niya. Pagewang-gewang na rin ang lakad ko at parang ramdam ko ng may kung anong umiikot-ikot sa tyan ko pero kailangan kong tiisin para makarating sa banyo. Anytime now, magkakalat na ako rito. Nang mahanap ang banyo ay halos magpasalamat ako sa lahat ng santo. Finally! Akala ko, maipapahiya ko ang sarili ko sa bar na ito. Palabas pa lang ako roon para sana bumaling sa mesa namin ni Tina ay maulunigan ko ang isang pamilyar na likod. Of course, hindi ko pwedeng makaligtaan ang likod na ‘yan. “Cornell. . .” Mas naalog ata ang sarili ko sa labis na pagtakbo. Hindi ko kasi hinahayaang makalayo siya ng sobra. Siguro ay may babae siya sa club na ito. Baka bukod kay Zeina ay mayroon pa siyang ibang kinakama. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ‘yan! Halos umusok ang ilong ko nang makitang lumapit nga ito sa isang babae. Hindi nakatakas sa mata ko ang paghalik nito sa pisngi kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras. Eto na siguro ang stage three na sinasabi ni Tina; ang eskandalosang si Felicity. “Cornell!” Naglingunan ang iilan pa niyang kasama. Purong mga lalaki iyon at may isang babae na siyang hinalikan niya sa pisngi kani-kanina lang. Paniguradong mga kaibigan iyon ni Cornell. May alam pala ang mga ito at talagang kinukunsinti nila ang kaibigan? “Cornell! Ang kapal talaga ng mukha mo! Bakit mo ginawa sakin ‘yun? Alam ko may kulang ako pero sapat ba ‘yung dahilan para humanap ka ng ibang ikakama?” Sobra ang nararamdaman kong pagkahilo, sapat na para mabuwal ako sa kinatatayuan. Bakas sa kanilang lahat ng gulat. Bago pa ako hilain nang marahas ni Cornell palayo roon ay narinig kong magsalita ang kaisa-isahang babaeng kasama nila na siyang hinalikan sa pisngi ng asawa ko. “Darius. . . sino ‘yan?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD