Labing-walo

1381 Words
"Oh my God! I'm really sorry. Nagmamadali talaga ako," halos magkandabuhol-buhol ang salita kong iyon sa lalaking nakabunggo. Mabuti na lang at hindi naman na ito nagreklamo noong tuluyan na akong tumakbo. Lahat na ata ng santo natawag ko na. Pilit kong hinihiling na sana may abutan pa ako. God knows kung gaano ko kagusto ang makaalis ng bansa. In that sense magkakaroon din ako ng pahinga sa toxic na buhay ko kasama si Cornell at Zeina. Magkakasabay na bumaling sa akin ang mga ulo ng mga taong naroon. Nakakahiya man ay agad akong pumasok, bumati sa lahat ng naroon at naupo sa pinakamalapit na upuan sa pinto kung nasaan din si Tina. "Magbu-buzzer beater ka ba, girl. Hangover?" bungad niya. Madali lang akong nagkibit-balikat saka ibinaling ang atensyon sa harapan. Mabuti ay madali naman silang naka-move on sa pagiging late ko at nagtuloy-tuloy na sa pinag-uusapan. Base sa naririnig, mukhang nagbibigay pa lang ng instructions ang big boss tungkol sa gagawin sa Australia. Diyos ko! Parang sinisilaban ang pwetan ko sa sobrang pagka-excite. Malaki kasi ang tsansa kong mapasama, syempre head din ako ng mga journalist. Depende na lang din talaga kung hindi ko maabutan ang pag-a-assign. "Is that understood?" Masayang nagtanguan ang lahat. Everyonen is really excited about it. Samantalang ako, sa sobrang pagka-excite ay iniisip na kung anong mga pupuntahan ko sa lugar. Lumilipad na kung saan ang utak ko. Pansamantala kong nakalimutan ang mga iniisip sa bagay. You know what? This may be it. Baka ito na ang maging break ko mula sa lahat ng sakit. Tatlong araw lang pero sobra-sobra na iyon sakin. Kahit man lang makahinga ako, okay na okay na. Sumunod ang naging pagpili ng ma pupunta — na siyang pinangunahan ko, si Tina at ang co-anchor nitong si Rio, at dalawang journalist. May team na inihanda at iyon ang bahala sa mga kukuhanan sa lugar. Purpose namin na pigain ang Australia at ipakita sa mundo kung gaano ito kaganda. Pangalawang taon pa lang namin sa proyektong ito, actually. Noong una ay Pilipinas ang kinover namin syempre. Sa pangalawang taon, lalabas na kami ng bansa at Australia ang napili ng management. Kaya tuloy hindi kami magkandaugaga ni Tina hanggang sa makauwi. Two days na lang ang aantayin at para na rin kaming nagtravel. Iyon naman ang pinakapaborito ko sa trabaho. Napakarami naming tsansang marating ang mga lugar na dati ay pinapangarap lang namin. Nang makatapak akong mula sa tapat ng gate ng bahay ay bumigat na naman ang paghinga ko. "Eto na naman." Hindi ko na halos maihakbang pa ang mga paa ko. Sa mga katulad ng ganito, gustong-gusto kong ikwento kay Cornell ang excitement na nararamdaman pero paano? Para saan pa? Nakayukom ang mga kamay ko papasok. Hindi ko na napansin ang dalawang iyon kaninang umaga dahil sa pagmamadali kaya hindi ko na lang alam ngayon. I might be lucky at hindi ko sila madatnan dahil maaga pa naman. Nakakatawa pala ang mga paghihirap ng tao, ano? Kung iisipin mo parang sunod-sunod at ang hirap nang malampasan. Nang mabukas kong tuluyan ang bahay gamit ang susing pagmamay-ari, dumeretso ako sa kusina. Naghanap ako agad ng pupwedeng mailuto at makain. Lately kasi hindi ko na halos malaman kung may kinakain pa ba ako. Napakaraming kailangang isipin at hindi ko na naisasali pa roon ang pag-iisip. Nakababa lang ang gamit ko pero hindi pa ako nakakapagbihis. Busy na ako sa paghahanap ng rekado sa lulutuing adobong manok nang may magsalita sa likuran ko. "Do you still love him?" Napatikhim ako sa boses na iyon ni Zeina. Mahina lang ang mga iyon pero dahil kami lang naman ang nasa kusina. Bahagya ko siyang nilingon bago sunod na balingan ang mga lulutuin. "Siya dapat ang tinatanong mo nyan." Come to think of it, simula noong dito na tumira si Zeina ay parang ngayon pa lang ata kami makakapag-usap nang matino. "Do you still love, Cornell?" Tiningnan ko siyang muli gamit ang pagod na mga mata. Ano nga ba ang isasagot ko sa tanong niya? Totoo bang sagot ang inaantay niya? "Zeina–" "Felicity, please. Tell me the truth." Bumuntong-hininga ako pagkatapos ay saka nagsalita, "I still love him. Zeina, hindi ako mananatili rito kung hindi. Hindi ako mag-i-stay kahit pa ako 'yung nakikisiksik. Kahit pa ako 'yung magmumukhang kabit." Hindi ko napigilan ang pait ng pananalita. Nagsisimula na naman kasing manikip ang dibdib ko. Para kasing ang hirap. Hanggang ngayon, hirap na hirap pa rin akong tanggapin. "If that's the case, then I need to ask you a favor." Mariin ko siyang tiningnan. Nanatiling nakayukom ang kamao ko. Kahit pa pilitin kong magtapang-tapangan ngayon ay wala pa rin iyong laban kahit kanino. "File an annulment. Tutal kami naman ang may anak–" "Zeina, naririnig mo ba ang sarili mo?" I got no chill for this. Nagkabaliktad ata ang nangyari at mas kumapal pa yata ang mukha niya. "Saan ka nakakitang kabit na mismo ang nagsasabing humiwalay ang tunay na asawa?" Napapikit siya sa sinabi kong iyon. At that point, alam kong mas masakit ang tama noon sa loob niya kaysa sa natanggap na sampal ay Tina noong nakaraan. "Hindi porket hindi ako umiimik sa bahay na 'to, hindi porket mahina ako, feeling superior ka na. Zeina, kabit ka. Pagbali-baliktarin man ang mundo, ako ang tunay na asawa. Ako ang pinangakuan ng lahat. Ako ang hinarap sa Diyos!" Sa pagkakataong iyon, inaamin kong inantay kong dumantay sa akin ang palad niya. Pero wala akong natanggap kaya madali ko siyang nilingon. Ang palad nito ay nakaharang na sa bibig nito dahil pinipigil niya ang paghikbi. Hindi na rin magkamayaw ang luha niya sa pag-agos. "Gusto ko sanang magbigay ng simpatya sa'yo kaso hindi ko magawa sa tuwing iniisip kong sarap na sarap ka tuwing ikinakama ka ng asawa ko. Sana nakuntento ka na lang doon." Ayoko ng pahabain ang usapan lalo pa't alam kong buntis siya. Kahit gaano ko siya kagustong labanan at pagsalitaan ng masasamang salita, kino-consider ko rin ang sanggol sa sinapupunan niya. Kahit gaano kasakit ang ginawa nila sa akin, hindi ko pa rin naiisip ang gumanti. Hindi ko kailanman iisipin ang pagganti. Alam kong kakainin lang ako ng revenge na 'yan kaya imbes na maghiganti ay masaya na akong mas magpokus pa sa sarili ko, ayusin nang ayusin ang buhay para sila mismo ang magsising binasura nila ako. "Teka, Zeina. Anong ginagawa mo?" Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay nagtuloy-tuloy lang siya sa pagluhod sa harapan ko. Ang paggalaw ng balikat niya ang naging ebidensya ng hindi niya matigil-tigil na pag-iyak. Hindi ko na rin tuloy malaman ang gagawin. Hindi ko alam kung hihilain ko ba muna siya patayo o patitigilin sa pag-iyak. "Tumayo ka, Zeina–" "Felicity. . . please, please. Dump him. Hiwalayan mo na siya, Fely. Sa gano'n ay hindi ka na masasaktan at hindi ka na rin aasa. Please, hayaan mo na lang kami kasama ang baby namin. Nagmamakaawa ako. . . gusto ko ring makasama ang anak ko." Halos mag-echo ang paghikbi nito sa buong bahay kaya doon ko lang nakumpirmang wala si Cornell. Blanko ang ekspresyon sa mga mata ko nang tingnan ko siya. Hindi ko alam ang mararamdaman pero inaamin kong naisip ko na ring mangyayari ito. That baby is caused by an infidelity. Kahit pa anong mangyari, sa kanila ang anak nila. Pumayag ang dalawa sa pagtatalik bago pa man ituring na surrogate mother ang doktor. Ako talaga ang walang laban dito. Ako talaga ang itatapon. Pinakawalan ko ang malalim kong paghinga bago muling magsalita. Ilang minuto rin kaming natahimik. Ilang minuto ring walang ibang ginawa ang babae kundi ang mag-iiiyak. "Two days from now, lilipad ako papuntang Australia para sa trabaho. You have all the access kay Cornell. Pero after three days, babalik ako. Kapag bumalik ako, aayusin ko ang lahat ng sa amin. At hindi ka kasali roon." Ibinagsak ko ang mga rekadomlng iluluto at naglakad palayo roon. Tuluyan na akong nawalan ng gana. Tuluyan nang sumama ang pakiramdam ko kasabay sa pagsakit ng puso. Madali kong inakyat ang sariling kwarto at iniwan si Zeina na nananatiling nakaluhod at umiiyak. Hindi ko na alam kung matatapos pa ba ang lahat ng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD