"Hi. Free ka ba ngayong gabi? Kailangan ko kasi ng kasama sa kuwart ko." Nakatingin lang ako at nagtataka sa kaniyang sinabi. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang sabihin ang bagay na iyon sa akin kahit na hindi naman kami close o magkakilala. Ngunit hindi naman ako bago sa ganito dahil nababasa ko ito sa mga libro. Hindi ko lang talaga ine-expect na ako ang babastusin niya sa sobrang dami ng tao rito. Nakakagulat pero nandidiri ako sa kaniya kahit pa guwapo siya. Ngunit halata namang hindi siya taga rito base sa kaniyang galaw. "Excuse me?" mataray na wika ko. Ngunit imbis na umalis siya ay nagawa pa niyang ngumisi. Pakiramdam ko tuloy ay lasing na ito o talagang ako lang ang biktima niya ngayong gabi? Hindi ko man maintindihan ay hindi ako nagpakita ng takot. Kailanga

