"Lumayo ka sa akin!" sigaw ko sa kaniya. Kita kong naguguluhan siya sa aking inaasta pero wala akong paki alam! Dahil mas may paki ako sa sarili ko ngayon lalo pa at parang hinahalukay ang aking tiyan. Wala naman akong kinain ngayon. Sa katunayan ay kagigising ko lamang at katatapos niya lamang maligo nang lapitan niya ako. Tapos bigla na akong nakaramdam ng kung ano. Kaya naman dali-dali akong nagpunta rito sa banyo. Parang sumama kasi bigla ang katawan ko. Para akong masusuka, nahihilo, nanghihina at nilalamig na hindi ko maintindihan. "What? Why? Wala naman akong ginagawa. Katatapos ko nga lang maligo," paliwanag niya sa akin. Dumuwal muli ako at inirapan siya. Naiinis ako. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko dahil biglaan ang lahat. Nang mapansin ko nang maayos na ang pakira

