"Vaughn, listen—" "Antonnia, stop dictating your son’s personal life," singit naman ng ama ni Vaughn. Ipinulupot ko naman ang aking kamay sa kaniyang leeg habang pinapakinggan na mag-away ang mag-asawa. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Vaughn sa akin. Tumango naman ako at hindi na nagsalita pa. Hindi ko kasi inaakala na ganito ang maririnig ko paglabas ko at mukhang hindi ito maganda. "You're crying," masuyong bulong ni Vaughn. Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib dahil hindi pa tumitigil ang mga naririnig ko. "He can't understand it, Anthony! Mas mabuting magpakasal siya sa ibang babae kaysa sa kaniya! And I don't fre@king care if she's now a businesswoman like me or kahit same na tayo ng ginagalawan. She's still poor—" "Mom!" sigaw ni Vaughn. Ramdam ko namang gu

