Pinilit kong paniwalain ang sarili ko na nagkataon lang na andito siya ngayon. Nagkataon lang din siguro na sabay kaming sasakay ng banana boat. Hindi ko alam na mahilig pala siya sa mga ganito. Putangina. This really pisses me off. Inalalayan ako ng lalaki sa banana boat. Gusto ko na magmura ng magmura ng makitang sa likod ko siya nakapwesto. This is so awkward okey? Ang maganda nga lang ay hindi niya ako kinakausap... But still andito pa rin siya. I hate the sight of him. Hindi naman sa galit pa ako sa kanya. Ayaw ko lang talaga munang makita siya. I pretended like I don't know him. Inenjoy ko na lang yung ride hanggang sa matapos. Hindi ko alam kung sinusundan niya ako pero tangina, naglalakad ako ngayon pabalik sa hotel at nasa likod ko siya. Naglalakad. Hanggang sa makarating na sa

