"Anong gagawin mo bukas?" tanong ni Zach habang nasa byahe kami.
Nataranta ako. Hindi ko alam ang isasagot. Wala naman talaga akong gagawin bukas. Ginawa ko lang yung palusot when he asked me kung bakit ang aga kong umuwi. Wala naman kasi akong ibang maisip na dahilan.
"M-may inutos sa akin ang mommy ko." pagsisinungaling ko.
"The whole day?"
"H-hindi naman. Maaga lang."
Habang padami ng padami ang tanong niya, mas rumarami ang kasinungalingan ko. Sana naman wag na siyang magtanong.
Hindi na naman siya nagsalita matapos iyun. Hanggang sa makarating kami sa harap ng bar niya ay tahimik lang kaming dalawa. Mukhang may nagkakasiyahan pa rin sa loob ng bar kahit na may big event mula sa pinanggalingan namin. Maybe they're not fond sa ganung klaseng kasiyahan tulad ko. If I knew Zach was there I would have stayed here in the bar.
"Thanks for the ride." aniya.
I smiled. "No worries."
Tumingin siya sa likod ng sasakayan. Napakunot ang noo ko.
"I think you'll have to bring this car to the car wash tomorrow."
Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Bakit ba kailangan niya pang sabihin yan? Naalala ko tuloy ang nangyari kanina. God.
"I have to go. Baka pagod ka na." aniya.
Hindi ako nagsalita. Sa totoo lang ay gusto ko pang makita ang maganda niyang mukha. Hindi ba pwedeng picturan ko muna siya para naman may remembrance ako ng gabing toh? Baka kasi hindi ko na naman siya makita ng isang buwan or worse, isang taon. Napapansin ko kasi, tuwing nagkikita kami, naga-upgrade yung mga happenings between us. First, it was just a kiss and now... It's more than just a kiss.
Akala ko ay lalabas na siya at aalis, pero nagulat na lang ako ng lumapit siya sa akin at gawaran niya ako ng halik sa labi. Parang nastatwa ako sa kinauupuan ko. What the hell was that? I mean... Alam kong wala lang yun sa nangyari kanina but why would hr f*****g kiss me? It's all fun and games I assumed. Goodbye kisses are only for lovers... Right?
"Goodnight, Stephanie." aniya saka lumabas na ng kotse.
Nanatili akong nakaupo lang roon at parang di pa rin makapaniwala sa nangyayari sa akin. I promised na huli na ito... Pero bakit parang biglang naging mahirap? Nababaliw na yata ako. I need to pull my s**t together.
Pinaandar ko na ang sasakyan at inalis sa isip ang tungkol kay Zach.
Dad asked to see me. Hindi ko alam kung para saan. Nakakagulat nga eh. Never niya akong pinatawag sa opisina niya unless may inuutos si mommy.
Nasa opisina na niya ako't naghihintay sa kanya. After ilang minuto ay pumasok na siya sa loob matapos makausap ang sekretarya niya. Hindi naman sa madumi ako mag-isip pero minsan, napapansin ko kung gaano kalagkit ang tingin ni dad sa sekretarya niya. I really don't know her very well but she seemed like a nice person. Sana lang ay walang nangyayari between them. Because I'd seriously hate her.
"What do you want from me?" direkta kong tanong ng makaupo na ito sa kanyang upuan.
He smiled. "Nothing. Hindi ba pwedeng makausap ko ang panganay ko?"
I rolled my eyes. "Come on, dad. Spill it. Ano ba ang kailangan niyo?"
Sandali itong tumahimik. He opened his laptop saka may tiningnan mula roon. Ano nga ba talaga ang kailangan niya mula sa akin? Ngumiti pa siya... That means he has a favor to ask. Kung tungkol yan sa kanila ni mommy, pasensya na lang siya pero hinding hindi ako gagawa ng kahit na ano na may kinalaman sa paghihiwalay nila.
"Do you know Valorous Corp's CEO, Zacharias Lucas?"
Napakunot ang noo ko. "W-why?"
"Well, dear daughter... Their company is one of the biggest and fast growing company in Asia. Just a week ago, they were planning on reconstructing their old building... They are looking for a construction company and we are one of those construction company that's really dying to get their signatures. Alam mo ba kung gaano kalaking impact nun if ever na pangungunahan natin ang reconstruction?"
Mas lalo akong naguluhan. I mean, what's that got to do with me?
"Mahirap makuha ang matamis na Oo ng mga Lucas. Masyado silang strikto pagdating sa pagkuha ng kompanyang makakatrabaho nila. They are known for their trust issues... Ilang buwan ko na ring minamatyagan ang mga Lucas after those gossips about their reconstruction.." tumingin siya sa akin. "What is your relationship with him, Stephanie? I kept seeing pictures of you with him."
Napalunok ako. Pictures??? What the hell did he mean by that? Minamatyagan niya si Zach?
"Wala kaming relasyon. Nagkataon lang na nagkakilala kami sa bar niya. That's all. I don't even--"
"Bar niya?" tila mangha nitong tanong. "So he owns a bar?"
Napaiwas ako ng tingin. Isa ba yung sekreto? I think lahat naman alam na may bar siya? Daeny knows, that means everyone knows.
"If you want to get his approval sa proyektong toh, dapat pinapakita niyo sa kanila kung bakit mapagkakatiwalaan ang kompanya niyo, hindi yung sinusundan niyo yung tao."
He laughed. "Sometimes, we need to do things to know things. I told you, mahirap makuha ang mga Lucas... But... Sa mga pictures na nakita ko parang... Mabilis mo atang nakuha ang loob niya?"
Napasinghap ako ng iharap niya sa akin ang laptop. Mula roon ay ang mga pictures na kasama ko si Zach. Sa mga naunang pictures ay yung huling buwan na nakilala ko siya sa bar. Nagtatawanan kaming dalawa kasama ang mga kaibigan niya. Sa mga sumunod na pictures naman ay yung naghalikan kami sa labas ng bar niya. Nakahinga ako ng malalim ng makitang wala roon yung nangyari noong huling gabi.
"That's... Nothing... Dapat alam mo yan dahil yan naman ang madalas mong ginagawa diba?" inis kong wika. "We kissed but that's it. Wala kaming relasyon. He's getting married... Yun ang narinig ko kaya kung ano man ang pinaplano niyo, siguradong wala ring kwenta. We loved playing around... Tulad mo. I'm sorry for popping your bubbles but we are not in a relationship... We're not even friends."
Ngumisi ito. "Are you sure?"
Napakunot na naman ang noo ko. "That we're not in a relationship? Of course!!"
Mas lalong lumakas ang tawa niya. I was creeped out when he looked at me seriously after that. "That it's just a game for him?"
"What else, dad? Do you think he's serious??" natatawa kong tanong.
"Do you think he's the kind of a man who plays around?"
Hindi ako nakasagot. Malay ko ba? Hindi ko naman siya kilala. Tatlong beses pa lang kaming nagkita. Our conversations are all nonsense.
"I told you, I've been investigating him for awhile now and halos alam ko na kung paano maglaro ang mga Lucas. Hindi sila yung klase ng taong naglalaro lang for the sake of fun, daughter. Kung may ginagawa sila that's because they like it at alam nilang may makukuha sila. From my point of view, I think that man's interested with you. As you said, I should know... I know men like me, Stephanie but I can guarantee... He's not one of us."
"Hindi ko alam kung saan patungo ang usapang ito."
Tumayo siya mula sa kinauupuan. Umikot siya sa lamesa saka lumapit sa akin. Umupo siya sa harap ko at ginagap ang dalawa kong kamay like those people in a sunday help group. This is really weird.
"I want you to play with him, Stephanie. Put aside your feelings. Hindi mo siya kailangang magustuhan. Just do what he wants hanggang sa mahulog na siya sayo... And then... Tell him about our company... Help me, daughter. Afterall, kanino pa ba mapupunta ang kompanyang ito kundi sa inyo lang din naman ni Casandra?"
Natigilan ako sa sinabi nito. Hindi ko alam ang ire-react. There's something in his eyes... Something I've never seen before. This is the first day, he called me his daughter. I am so disgusted about his acts but that doesn't mean na hindi ko gustong ituring niya akong anak. For the first time, parang ang gaan ng pakiramdam ko. He called me his daughter.