"Hey... Stephanie. Sorry na. Hindi ko lang talaga mapigilan ang pagtawa ko." aniya habang natatawa pa rin. Sinamaan ko siya ng tingin. "Aalis na ako. Tumawa ka lang ng tumawa diyan. Sana maubusan ka ng hininga." inis kong wika. "Mauubusan talaga ako ng hininga pag ikaw ang kasama ko... You're funny! Hahahahahahaha I can do it daw hahahahahaha." Napalunok ako. Masyado na akong napapahiya dahil sa kanya. Aba malay ko bang hindi pala yun ganun kadali? It was my first time. Kaya nga nagpapaturo diba? Tapos tatawanan niya ako? What a jerk! Aalis na sana ako at iiwan na siya ng hawakan niya ang kamay ko saka mabilis akong hinila palapit sa kanya. Napasinghap ako ng halos maglapat ang labi naming dalawa. Agad kong iniwas ang muk

