It was not the party I expected. Gusto ko na agad tumakbo pauwi ng makita ko ang mga tao sa loob na nagtatapunan ng pinta sa isa't isa. What the hell? I thought it was like drinking and dancing? Ano toh??? College party??
"This is so fun!!!" sigaw ni Daeny sabay sirit ng paint sa mukha ko.
Inagaw ko ang bote mula sa kanya saka sinirit yun sa pagmumukha niya. Tawang tawa naman ang gaga. This is insane! Walang fun. Tanging softdrinks and root beer lang ang meron. Masayang masaya naman ang lahat na naliligo sa pinta habang nakaupo lang ako't nakatingin sa kanila.
Infairness, well-prepared naman sila. May mga booths. May mga performers ding tumutugtog on stage habang nagsasayawan ang iba. I can see some familiar faces. Alam kong nakita ko na ang iba sa mga bars na napuntahan ko, habang ang iba naman, mga anak ng mga mayayamang negosyante dito sa bansa. This is probably a party for the rich and famous. Hindi na ako nagtataka kung ba't naging interesado si Daeny sa party na toh. Malamang ay maghahanap na naman siya ng mapapangasawang mayaman at gwapo.
I bought a root beer. Wala naman akong choice dahil wala ng ibang inumin dito. They're purging and maybe wanting to enjoy the night not drunk. Parang college party lang talaga. Gosh. Kung sino man ang nag-arrange ng party toh, I'm sure he's boring.
Napangiwi ako ng malasahan ang root beer. Parang walang pinagkaiba sa softdrinks. Ew. Parang pinaghalong coke saka sparkle at lahat na. Hindi siya nag-swak sa taste buds ko. Binaba ko na lang iyun sa sahig. Walang tables eh. May mga konting upuan lang, para siguro may maupuan ang mga pagod ng tumayo at magsayaw.
I was so busy looking around, hindi ko na napansing nawawala na pala si Daeny. Nilibot ko ang paningin ko at napapalo na lang ako sa noo ko ng makitang nakikipagsayawan na ito sa gitna. Tsk. Bahala na siya. Matanda na yan. Kaya na niya sarili niya.
I was just sitting there nang maramdaman kong may nagbuhos ng pintura sa likod ko. Haharapin ko na sana toh at sisigawan nang bigla ako nitong hilahin kaya naman muntik na akong mahulog sa inuupuan. Buti na lang at malaki laki ang mga braso nito't nagawa akong hatakin pataas.
"What the f**k??" inis kong mura.
Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa beywang ko at susuntukin na sana siya ng masilayan ko ang tawa-tawang mukha nito.
"I didn't expect to see you here." aniya.
I rolled my eyes. "So did I." sagot ko. "Ikaw? Akala ko ba drinks lang ang gusto mo? Why are you here?"
"Having fun?"
"Yeah right. You call this fun."
"Because it is."
Inayos ko ang sarili ko. Bahagya kasing tumaas yung suot kong short dahil sa pagkakahila niya sa akin kanina. I can see his eyes on my thighs. p*****t. Mag-aasawa na nga, nagagawa pa ring tumingin sa iba.
Hindi ako galit... Medyo, disappointed lang. I still... Like him. Nakakainis kasi talaga yung gwapo niyang mukha. Bakit ba kasi kailangan ko pa siya makita? Paasa.
"Iniwan ka na naman ng kaibigan mo... At mukhang ako na naman ang makakasama mo ngayong gabi."
I smirked. "No thanks. Pauwi na rin naman ako. Medyo nagpapalamig lang ako rito."
"Stay for a little while."
Hindi ako makasagot. Itanggi ko man, alam na alam naman ng puso't isip ko na gusto kong manatili ng mas matagal at makasama siya. I know this is a bad decision, pero isang beses na lang? After this, hindi na talaga. Promise. Magmo-move on na talaga ako.
"I brought some drinks." aniyang talagang pursigido na panatilihin ako.
I chuckled. "Fine."
Tumawa siya. "Yes! Wait here... Kukunin ko yung drinks."
Tumango ako. Umupo ako ulit at hinantay siya. Kakaalis lang niya ay may lumapit na ilang mga lalaki sa akin. Napakunot ang noo ko.
"Hi miss... Are you alone?" tanong ng isang hindi naman kagwapuhan.
Tumango ako. "I'm with a friend."
"Ganun ba? While your friends are not here, can we stay here with you? Nakakabagabag kasi na makitang mag-isa ang magandang tulad mo."
"Hindi na. I am fine. I don't need your company." tanggi ko.
Napasinghap ako ng maramdamang humawak ang isang lalaki sa likuran ko. Agad akong tumayo at aalis na sana para umiwas sa gulo ng hawakan ng isa sa kanila ang braso ko.
"We're not done yet, honey."
"Bitiwan mo ako." utos ko rito.
Tinawanan lang nila ako. I looked around to ask for help but everyone busy. Wala ngang tumitingin sa gawi ko eh. Bakit ba kasi ako andito? Sana ay sumama na lang ako kay Zach.
"I am with my boyfriend. I am not really interested sa inyo at all." matapang kong wika. Mukhang wala na akong choice kundi sindakin sila.
Pero mukhang hindi man lang gumana yun sa kanila. Nilapit ako ng isa sa kanya. Pilit akong kumakawala. What the f**k? Feeling gwapo, ang pangit naman. Isipin ko pa lang na ganito ako kalapit sa kanya, nandidiri na ako.
Kinakabahan na ako sa maaaring mangyari ng may malakas na humila sa isang lalaki palayo sa akin. Napaawang ang bibig ko ng makita si Zach na sinusuntok iyun sa sahig. Habang hawak ako ng isa sa kanila, sumugod ang dalawa nitong kasama kay Zach kaya napasigaw ako.
Nakuha namin ang atensyon ng iba. May ilang lumapit at tinulungan si Zach. I think it's his friends. Binitawan na ako ng pangit na lalaking nakahawak sa akin at nakipagsuntukan na rin.
"Help them for pete's sake!!! Call the guards!!" sigaw ko sa mga nakatingin lang pero imbes na gawin ang sinabi ko, ay patuloy lang sila sa panunuod. Nakikita ko pa ang iba na pinagpupustahan kung sino ang mananalo.
"Z-zach! Omg." natatakot na ako para sa kanya lalo na ng makita kong nasuntok siya ng isa sa mga goons sa mukha. Wag ang mukha niya please.
"Anong nangyayari?" nalilitong tanong ni Daeny.
"Isn't it obvious?? Call the guards! Bilis!" utos ko rito.
Tumango naman ito at agad na tumakbo para hanapin ang mga gwardiya ng bar.
Ilang minuto lang ay dumating na rin ang mga gwardiya at nilayo ang mga ito sa isa't isa. Agad akong lumapit kay Zach.
Hinaplos-haplos ko ang mukha nito. "Okey ka lang?" tanong ko habang tinitingnan ang mga pasa sa mukha niya.
Hinawakan niya ang isang kamay ko. "I'm fine. Ikaw? Anong ginawa nila sayo?"
Umiling ako. "Hindi nila ako nahawakan... Ikaw... Ikaw yung napahamak dahil sa akin. I know it was a bad idea staying here."
Ngumiti siya. Dadamputin na sana siya ng isa sa mga gwardiya para siguro itapon sa labas pero agad ko itong pinigilan.
"Ako na po ang bahala sa kanya." wika ko.
Gladly hinayaan naman ako nito ng makitang kalmado na si Zach. Sumenyas ako kay Daeny na pupunta muna sa labas. Kailangang malunasan yung mga pasa niya.
"O-ouch... Masakit." aniya habang nililinis ko ang mga pasa niya.
I rolled my eyes. "Yan ang nangyayari sa mga basagulero."
Tumawa siya. "I really don't mind punching those bastards kung ganito ako kalapit sayo."
Napatingin ako sa kanya. Ngayon ko lang narealize kung gaano kalapit ang mga mukha naming dalawa. Agad akong lumayo sa kanya ng konti. Binigay ko sa kanya ang hawak kong cottonballs saka alcohol. Kung hindi ko lang alam na ikakasal na siya, baka nakisakay na ako sa panlalandi niya but sadly, He's getting married at kahit ano pang mangyari, hindi mawawala ang katotohanang ikakasal na siya.
"Hindi naman gaano kalalim ang sugat mo. You should just go to a clinic para ipagamot yan. Wala akong alam sa first aid." wika ko.
Tumayo siya mula sa kinauupuan. "Thank you." aniya.
I smiled. "It was my fault. Dapat lang naman yung ginawa ko."
"But still..."
"Okey lang Zach. Umuwi ka na lang. Kukunin ko na rin yung si Daeny para makauwi na kami."
Ngumiti ako sa kanya saka formal na nagpaalam. This will be the last. Hindi na kami ulit magkikita. Sisiguraduhin ko yun.
Maglalakad na sana ako pabalik sa bar ng hatakin niya ako pabalik sa kanya. Walang pagdadalawang-isip na sinunggaban niya ako ng halik. Namilog ang mga mata ko sa ginawa niya. I tried to push him away pero masyado siyang malakas. He's bigger than me, you see. Tuwing nasa mga bisig niya ako, para lang akong isang papel na lumulutang sa ere.
Habang tumatagal, nararamdaman ko na lang ang sarili kong nagpapaubaya sa kanya. My hands involuntarily went to his neck. This is wrong. I know that very well but I just can't stop. I like him so much I'm willing to be a sinner. If this kiss will send me to hell, then I'd probably let the devils take me.