Napasintido si Carol ng makita ang kasalukoyang itsura ng asawa niya. Ang Hari ng Greece na si Astaroth ay kasalikoyang nakalibing sa buhangin, tanging ang ulo lamang nito ang nakalitaw at ang salarin? Walang iba kundi ang mga anak nila. Nasa private beach sila ngayon, nagbabakasyon kasama ang buong angkan ng mga Ruscitti at Demetriou. Okay lang naman ang Greece kahit wala silang dalawa, naiwan naman kasi si Jacob. Naiiling na nilapitan niya ang asawa't naupo sa gilid nito. Marahan niyang hinawi ang may kahabaang buhok ni Astaroth, sa gayon ay hindi iyon mapasok sa kaniyang mga berdeng mata. "Hi psychí mou..." Malamyos na bati sa kaniya ng kaniyang asawa, kaya nama'y napaikot siya ng mga mata. Nakalibing na nga lahat-lahat ang landi pa rin talaga. "Ang landi mo kamahalan," Nakangusong
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


