Ako ay nagising nang pasado alas dose ng uamaga. Dagli akong bumangon, naligo at nagtungo sa kusina at doon aking natagpuan si Kuya Charles na mag-isang kumakain at akmang aalis na sana ako ng magtama ang aming tingin. "At saan ka pupunta?" seryosong tanong nito at ibinaba ang hawak na kubyertos. Mariin kong kinagat ang aking pag-ibabang labi at alanganin itong nginitian. "D-Doon lang po Kuya," "Sit." Kuya Charles commanded na mabilis ko namang sinunod. Ang puso ko'y nagwawala sa loob ng aking dibdib. Labis din akong kinakabahan at hindi ko alam ang aking gagawin. Nahihiya akong harapin ang nakakatanda kong kapatid dahil may nagawa akong nakakahiya at hindi karapat-dapat. "Eat." Kuya Charles said and just like a robot, I easily obliged. Silence filled the whole kitchen as we eat. Ini

