"Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kuya Charles ng ako ay nadatnan nitong nakatulala. Ngumiti naman ako ng malapad at tumango upang tugon dito. Napakasuwerte ko talaga at mayroon akong nakakatandang kapatid na kagaya ni Kuya Charles. Na kahit palagi ako nitong inaaway ay palagi pa rin itong nakaagapay sa akin at kahit kailan ay hindi ako nito pinapabayaan at kung magkakaroon man ulit ako ng susunod na buhay ay si Kuya Charles pa rin ang gusto kong maging Kuya at kapatid—syempre, ganon din sila Mama at Papa. I will trade anything I have to be with my family...forever. "I am worried about you Carol, kanina ka pa tulala riyan para kang tanga. Ayaw ko namang mapunta sa mental institute ang nag-iisa kong kapatid," pang-aasar pa nito kaya ako ay bumusangot. Kahit kailan naman t

