CHAPTER 03

1819 Words
Makalipas ang isang linggo mula ng magtungo ako sa mansyon ng mga Saavedra ay ibinalita ni Hero sakin na patay na daw ang Ama nito na si George. Isa sa mga matandang naging boyfriend ko. Ngayon ay namomoblema na ako kung saan ako kukuha ng ipambabayad sa susunod na semester na ito. Pulos allowance lang kase ang ibinibigay sakin ng ilang mga boylets ko kaya hindi kakayanin ang pambayad doon sa napakamahal kong tuition fee. "Parang byernes santo na yang mukha mo ah?" Ani Eunice ng makita ako nitong nagmumukmok sa study table ko. "Pinuproblema ko ang ipang tu-tuition fee ko next week" Sagot ko dito na kina tigil nya sa ginagawa saka ako nito hinarapn at nagtatakang tinitigan. "Nasaan na ang Daddy George mo? Nakipag hiwalay na?" Tanong nito na may halong pang aasar sakin kaya inirapan ko ito. "Patay na! Binawian na ng buhay kaninang umaga lang" Nakanguso kong sagot na kina takip nya ng bibig dahil sa narinig. "For real? As in chugi na talaga?" Pangungumpirma nito na mabilis kong tinanguan kaya napangiwi siya. "Hala! Problema nga iyan!" Histerya nitong sabi na inirapan ko nalang. Kanina pa nagte-text ang mga ibang boylet ko ngunit isa man sa mga iyon ay hindi ko pinag aksayahang sagutin. Hindi kase talaga ako mapakali hanggat wala pang sulusyong ang napaka laking problema ko. Ayaw kong matigil sa pag aaral dahil yun lang ang maipagmamayabang ko sa mga magulang ko dahil sa pag layas ko sa poder nila. Tinatak ko sa isipan ko na kakayanin ko kahit walang tulong nila para makapag tapos ako. May kaya ang pamilya ko. Hindi ko lang matanggap na nagawa nilang ipagkasundo ako sa napaka yaman na business man para lang naisalba at mapalawak pa ng lubos ang negosyo nila. Feeling ko ay hindi nila ako totoong anak dahil napaka dali nilang ibigay ako sa taong never ko pang nakikita o nakilala kaya ang ginawa ko ay tumakas ako at nagpakalayo layo para hindi na nila ako sundan at mahanap. Nakapasok ako dito sa university dahil sa tulong ni George na siyang unang nakilala ko pagkatungtong ko ng maynila. Inalagaan at binihisan ako nito hanggang sa sabihin ko dito na gusto kong bumalik sa pag aaral kaya naka pasok ako sa Easth University dahil sa tulong niya. Kaya ngayon ay malaki ang problema ko sa pagkamatay ni George. Saan ko kukunin ang napakalaking tuition fee para makapag patuloy ako sa pag aaral? Tiyak na kakamkamin lahat ni Hero ang naiwan ni George dahil nag iisang anak lang niya ito. Ang kapal naman ng mukha ko kung manghihingi ako sakanya kahit na wala na ang ama nito. Aminado akong walang hiya at makapal ang mukha pero hindi ko ipag pipilitan ang sarili ko para manlimos ng perang ipambabayad sa pang tuituon ko. "I have an idea!" Pagkuwan ay sabi ni Eunice kaya napabaling ako ng tingin sakanya. "Ano nanaman yan?" Walang gana kong tanong dahil sa itsura nito ay may kalokohan itong naisip at pag titripan lang ako. "Join the Elite Organisation! Then you can get money from them what ever you want" Masiglang sabi nito na kina noot ng noo ko. Wala akong ideya sa Organisasyon na sinasabi nito. Oo't balibalita na may dalawang organisasyon na magka kumpitensya ang Easth University pero puro haka lang iyon dahil wala akong kilala na kasali sa mga organisasyon na iyon. "Tigilan mo nga ako! Wala ako sa mood makipag asaran sayo!" Inis kong sabi dito saka idinukdok muli ang mukha sa study table ko. "I'm not joking around here!" Bigla ay seryosong sabi nito kaya napa angat muli ako ng ulo saka siya pinakatitigan ng mariin para alamin kung niloloko ako nito o seryoso ba sa sinabi. Kumunot ang noo ko ng makitang seryoso nga ito sa sinabi kaya bigla akong nagka interest sa sasabihin nito. "Okay! Explain it!" Taas kilay kong sabi dito. Naghahamon. Bigla itong lumapit sakin at umupo sa kama ko bago nag salita tungkol sa organisasyon na tinutukoy nito. "Elite Organisation ay ang isa sa dalawang naglalakihang organisasyon dito sa University. Kilala ang org na ito bilang pinaka High en na samahan. Pag sumali ka sa grupo nila ay makukuha mo ang iba't ibang benefits sa Organisasyon nila like, Power, Money and protection" Mahabang panimula nito sa tinutukoy na organisasyon. Bigla akong nakuryoso sa nalaman sa sinabi nito kaya hinayaan ko pa siyang i explain ang mga nalalaman tungkol sa organisasyon na iyon. "Just what i've said. Kapangyarihan, Pera at Proteksyon ang makukuha mo don pero bago mo makuha ang lahat ng iyon ay may task na ipapagawa sayo na tinatawag na Initiation" Muling pagpapatuloy nito sa kwento kaya kumunot ang noo ko sa huli nitong sinabi. "Initiation?" Taas kilay kong tanong dahil hindi ko lubos maintindihan ang salitang iyon. Sa pagkakaalam ko kase ay Pagtanggap sa kasapi ang ibig sabihin non pero ang pinaka kahulugan ng salita ay hindi ko na alam at wala sana akong balak alamin pero ngayon ay nakukuryoso ako dahil sa sinabi ni Eunice. "Yes! Initiation! Para itong hazing kung tawagin ng iba pero kung ano ang pagkakaalam mo sa hazing ay hindi ganon ang Initiation ng Elite Organisation" Paliwanag nito sa Initiation na kina tango tango ko. "E kung hindi pambubugbog ang gagawin ano naman?" Tanong kong muli. "May Two choices ang Initiation nila ang una ay ang makipag s*x ka sa iba't ibang lalake, sa natatandaan ko tatlo, apat o lima yatang lalake" Sagot nito na kina bilog ng mga mata ko. "No way!" Pagtanggi ko agad dito na kina ngiwi nya. "Tss! Parang Virgin ka te?" Naiiling nitong sabi pero hindi ako sumagot kaya nanlaki ang mga mata nya ng mapagtanto na Birhen pa nga ako sa kabila ng pagkakaroon ng maraming boyfriend. "No! You can't fool me Nicole!" Hindi makapaniwalang sabi nito na tinanguan ko bilang pagsagot na virgin pa talaga ako. "Ah!" Hindi makapaniwalamg singhal nito saka napatingin sa kisame para humugot ng hangin doon. "Ang OA mo! Ituloy mo na ang kwento! ano yung pangalawang choices dahil hindi ko pipiliin ang una mong sinabi" Napapa iling kong sabi dito na kina seryoso bigla ng mukha nya kaya medyo kinabahan ako doon. "I don't think na pipiliin mo ang pangalawa. Baka mas bumukaka ka sa harapan ng lalake para maikama ka bago mo piliin ang pangalawa" Seryosong sabi nito na kina lunok ko ng laway dahil mukha talaga siyang hindi nagbibiro sa sinabi. "A-ano ba iyon?" Alinlangan kong tanong. "Killing People!" Parang slow mo nitong sabi sa pandinig ko kaya kinilabutan ang buong katawan ko. Animo'y may dumaan na masamang espirito sa harapan ko at dumampi ang hangin nito na nagpatayo sa lahat ng balahibo ko. "S-seryoso b-ba yan? H-hindi kaba n-nagpapatawa lang? J-joke ito no?" Pilit na ngiting sabi ko dito ngunit hindi nagbago ang seryosong mukha nya kaya bumagsak ang magkabilaang balikat ko dahil hindi ito nag bibiro at seryosong seryoso sa sinabi. Madami pang sinabi si Eunice tungkol sa magandang benifits na makukuha sa Organisasyon na iyon ngunit isa man sa mga sinabi nito ay hindi ko na maintindihan dahil hind maalis sa isipan ko ang Initiation kung paano ako makakapasok sa grupo nila. Hindi ko kaya ang pumatay ng tao. Ang makipag talik siguro sa maraming lalake ay maaatim ko pa dahil kilala naman na akong malandi, kirida at kung anu ano pang panira sa isapng puri ng babae. Kahit siguro magpok pok na ako ng tuluyan ay wala ng pakialam ang ibang tao dahil kilala na nila akong ganon kahit hindi nila alam ang tunay kong pagkatao. Pokpok na Virgin? Pwede pala iyon? Pinalis ko sa isipan ko ang napag usapan namin i Eunice. Hahanap na muna siguro ako ng paraan para makahanap ng pang tuition ko kesa pasukin ang organisasyon na iyon na labag na labag sa kalooban ko. Sumapit ang ilang araw na tiwasay ang nagdaan. Hindi inisip ang malaking problema na darating sakin sa susunod na araw. "Ms.Garcia we need your payment in next two days. Hindi na nagpadala ng pang tuition mo si Mr.Saavebra kaya kailangan na ikaw ang magsettle non" Sabi ni Mr.Sanchez ang Head Dean ng University. Nandito ako ngayon sa Unit nito sa Prof dorms sa likod lang ng mga student dorm ng ipatawag nya ako. " Yes Sir" Tanging nasagot ko nalang dito saka na nagpaalam na aalis. Akmang bubuksan kona ang pinto ng opisina nito ng muli itong magsalita na kina tigil ko. "Namumublema kana ba sa pang tuition mo dahil patay na ang matandang Saavedra?" Ngising sabi nito kaya napaharap ako bigla sakanya. "Ano pong gusto nyong ipunto Sir?" Deretsahan ko ng tanong dito kaya lalo itong ngumisi saka ito tumayo at lumapit sakin. Kilala itong number one na babaero sa buong unibersidad. Halos lahat na ata ng magaganda at sexy na estudyante dito at naikama na nya pero hindi ako kabilang doon dahil mukha palang ay parang sadista na. "I can pay your tuition for this sem. Give me just one night with you" Hinahaplos nito ang mukha kong sabi nya. Matigas akong umiling sa gusto nito. Hinding hindi ako bibigay sa gusto nya para lang sa pang tuition ko. Alam kong may iba pang paraan para maka bayad ako at hindi isa sa mga iyon ang alok nito. Kahit b***h ako ay never akong magpapaka alipin sa kama ng batikang womanizer na ito na kalat sa buong unibersidad. "Thanks for your Offer sir. I have to go" Magalang paring pamamaalam dito saka na umibis ng opisina nito. Pagka sara ko ng pinto ay dinig ko itong sumigaw dahil siguro sa hindi nakuha ang gusto nito sakin. Matigang ka dyan! Hinding hindi mo ako matitikman! Mabilis akong bumalik ng Dorm saka ko dinaluham si Eunice na busy sa pinapanood na porn. "Nice! Nice!" Tawag ko dito kaya napa igtad siya sa kinahihigaan. "Punyeta ka! Problema mo?" Inis nitong sabi ng makita akong natawa sa reaksyon nya. Animo'y kriminal na nahuli at hindi alam kung ano ang gagawin para hindi mahuli ng pulis. "Tungkol doon sa organisasyon. Sasali ako!" Pagkuwan ay seryoso kong sabi na kina taas ng kilay nya. Hindi naniniwala sa sinabi ko. "Naku Nicole! Wala ako sa mood makipag asaran! Sumasakit puson ko sayo" Anito at akmang babalik na sa kama ng mabilis ko siyang pigilan at tinitigan. Nanlaki ang mga mata nito ng mabasa sa mga mata ko na seryoso ako sa sinabi. Sumilay ang napaka laking ngiti sa labi nito ng sawakas ay ganap ko ng tinanggap ang alok nito. "Papayag din pala pabebe pa!" Ngisi nitong sabi saka nito kinuha ang cellphone niya at may tinawagan na kung sino doon. "Okay! See you tomorrow!" Masayang sabi ni Eunice bago ibaba ang tawag sa telepono. "Anong sabi?" Kuryoso kong tanong dito. "Bukas pupuntahan natin ang leader na hahawak sating dalawa" Sagot nito na kina nuot ng noo ko. "You mean sasali ka din?" Tanong ko na agad niyang tinanguan. OMG! This is gonna be excited!......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD