Chapter 19: Finding Out Krystal POV Nagising ako sa loob ng aking kwarto. Saka ko lang naalala na bumalik pala ako dito para magpahinga, kala ko nasa harden ako. Tumayo ako at nag unat unat ,kinukusot ko ang mga mata ko dahil parang may nakasilip sa bintana ko. Nang muli kong linawin ang mga mata ko ay naglaho ito agad, agad akong lumapit sa bintana upang makita muli siya. Pero naglaho ito ng parang bula. Di ko alam kung sino siya, isa itong lalaki at hindi ko masyado maalala ang mukha niya. Biglang may takot akong naramdaman, kaya agad akong naligo upang makababa na. Pagbaba ko ay nadatnan ko si Kib na may hawak na baril. Nang nakita niyaako ay agad niya itong nilagay sa isang box. "Para saan yan Kib?" tanong ko sakanya. Habang hinahalungkat ang bag ko. Hinaganap ko kasi yung relo na

