Tumayo siya at ang mga mata ko'y sinundan lang siya ng tingin. Looks like he was looking for something. "Nasa tabi ng bag ko, sa loob ng puting tukador," ani ko, dahil alam kong iyong bag niya ang hinahanap niya. Ginawa niya ang sinabi ko at nang mahanap ang pakay ay binitbit niya iyon at nilapag sa kama. Naupo siya malapit sa akin, may papel na kinuha sa loob. "This is the copy of your regularization contract." He handed me the papers. Dalawang kopya iyon, isa sa hr at isa para sa akin. Binasa ko ito nang mabuti, my eyes widened in disbelief while reading the letter. Totoo nga, regular employee na ako! "T-totoo?" Tumingin ako sa kanya. Ramdam ko na ang pag-iinit ng magkabilang sulok ng mga mata ko. "Yes, you deserve it. You are always working hard, pwede ka nang mag-file ng leave f

