It felt like a deja vu. Ganito rin kasi iyong naramdaman ko noong nagising ako na katabi si Sir Avery. May matigas na brasong nakapulupot sa aking baywang. Nasobrahan yata ako sa beer. Anong oras na ba? Hindi pa nag-aalarm ang cellphone ko kaya siguro, nananaginip lang ako. Sinikap kong muling himbingan ang tulog pero hindi ko na nagawa. Hindi na ito panaginip. Minulat ko ang mga mata ko at napansing nasa hindi pamilyar na silid ako. Amoy pa lang ng paligid ay alam ko na kung nasaan na ako. Paglingon ko sa kabilang direksyon ay nakita ko roon si Sir Avery. He was sleeping soundly. Shit. Kinapa ko ang sarili at ganoon na lang pagkabog nang matindi ng dibdib ko nang makitang naka-underwear lang ako sa ilalim ng comforter. Medyo makirot ang aking gitna. Ang pang-itaas na suot ko ay sigu

