CHAPTER FIFTEEN

1567 Words
"WALA ka bang balak ayusin ang buhay mo, anak?" tanong ni Mrs Miller sa menopausal baby niya. Masakit para sa kaniya ang nakikita ang anak na nawawala sa sarili. Ngunit gusto rin niyang ito mismo ang kikilos. Dahil ilang araw na ang nakalipas simula noong nagtungo itong Thailand ay mas malala ang nakikita nila sa kasalukuyan kasya noong halos patayin ang sarili sa kaalamang naglahong parang bola ang kasintahan. "Mom, ganoon na ba ako kasamang nilalang? I miss her so much. But I don't have the courage to face her," tugon nito. Ngunit dahil nakahiga lang ito habang titig na titig sa kisame. Kung mayroon nga sigurong mapadaang butiki at mahuhulog ay ma-shoot agad-agad sa bunganga nito. "Anak, nagawa mo siyang niligawan noon sa kabila ng agwat ninyo sa edad. Halos doon ka na manirahan noon. So, bakit hindi mo magagawa ngayon? Son, huwag ka ng magpatumpik-tumpik pa kung gusto mong makasama habang-buhay ang babaeng naka-silo sa puso mo," pahayag naman ni Ginoong Martin Luther. May edad na silang parehas. Maaring nasa London ang kambal nilang anak. Samantalang sa Bangkok Thailand naman ang nag-iisang babae. Ngunit umiikot pa rin silang mag-asawa sa mga ito. Pag-aari naman nila ang eroplanong ginagamit. AWARE na aware siya sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Dahil buhay na buhay naman siya. Ngunit himala naman yatang wala siyang lakas ng loob na makipag-argumento sa mga magulang. Tuloy! Iba ang nanulas sa kaniyang labi! "Mom, bago po kayo naging mag-asawa ni Daddy, nakagawa ba siya ng pagkakamali sa iyo?" "Ganoon din po sa iyo, Daddy. Nagawa mo mo bang niloko si Mommy bago kayo nagkaaminan?" Subalit dahil sa kaisipang iyon ay napaupo siyang bigla mula sa pagkahiga. Ngunit dahil na rin sa kabiglaan ay dumiretso siya sa sahig! Aba'y sa laki ba naman niyang tao! "Tsk! Tsk! Kung kailan may matino nang lumabas sa labi mo ay saka ka naman naging clumsy boy eh! Umuwi ka nga sa Baguio baka sakaling maagapan ng mga Toblerone ni Tita Joy iyang pagkalampa mo!" Napasinghal tuloy sa kaniya ang mahal na ina. May edad na ito. Ngunit hindi napag-iwanan ng panahon ang pagka-pranka. "Mas may edad naman si Grandma Joy eh. Oras na tatawag si tukayo PM na nadulas si Grandma ay tayo pa ang may kasalanan." Napasimagot tuloy siyang bumalik sa higaan. "Hmmm... Huwag mong iliko ang usapan, anak. Sigurado akong hindi ka rin natahimik simula noong nanggaling ka sa Thailand at nakabanggaan mo ang mag-iina. Mas hindi naman ako naniniwalang wala kang naramdamang lukso ng dugo sa mga anak ng kasintahan mo," sabi pa ng kaniyang ama. Sa narinig ay muling nabuhay ang dugo niyang nag-eemote. "Mommy, Daddy, nasa Madrid pa ba sila? Kaso baka naman sa unang pagkakataon ay mapagalitan ako ni Uncle Aries Dale---" "Ano ba?! Bakit ba urong-sulong ka? Aba'y kung waa kang balak hanapin ang mag-iina ay bahala ka sa buhay mo. Huwag na huwag kang hihingi ng tulong sa akin sa mga susunod na araw kung wlas kang isang salita!" Ayon! Ang mahal niyang ina ay muli na namang kumidlat! Kaya naman ay umusog siya sa kinaupuan nito saka inakbayan ito. Well! Siya muna ang beybi. Dahil magpa-beybi siya! Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba! Kahit kumikidlat pa ng madalas ang mahal niyang ina. Ngunit isa ito sa the mother on earth alive as well as his beloved father. Mas konsintidor pa ang Daddy niya kaysa mga kapatid! SA mansion ng mga Gonzalez-Harden sa Madrid Spain kung saan nakatira ang triplets ng mga Millers. "Grandpa, kailan po babalik sina Abuelo Martin at Abuela Claire?" Isang araw ay tanong ni Max Alejandro sa abuelo o tiyuhin ng kanilang ina. Doon naman kasi sila iniwan ng inang mayroon daw gagawin na hindi magawa-gawa kapag kasama sila. Kaso nasamid naman ang mag-asawang Aries Dale at Leonara dahil sa naging pahayag ng dalawang babae sa triplets. "Twin brother, himala namang sina abuela at abuelo ang hinahanap mo. Noong isang araw ay ang Papa nating hindi tayo kilala at ngayon naman ay sina Grandpa at Grandma. Bukas, sino na naman hahanapin mo?" "Huwag kang maingay, twin sister. Dahil baka palayasin tayo nina Grandpa at Grandma. Kayo rin ni twin brother ang kawawa kapag nagkataon. Dahil ako ay maninirahan pa rin dito." Mga salitang nanulas sa labi nina Sofia Ezperanza at Natalia Victoria. Tuloy! Ang pagkasamid ng mag-asawa na tumayong guardian ng tatlo sa kasalukuyan ay napahalakhak. Ngunit dahil biglang napatingin sa kanila ang mga bubwit ay iminuwestra na lamang nila ang mga braso. Subalit talo rin ang lalaki lalo at hinawi ito ng dalawang babae na parang papel. "Huwag n'yong isipin na aalis kayo rito habang wala ang kahit sino sa magulang at grandparents ninyo. Lalong-lalo na ang Mommy n'yo. Dito niya kayo iniwan at dito rin babalikan. Halika kayo rito kay Grandma. Let me hug you, my grandchildren." Nakanuwestra ang mga braso ni Grandma Leonora bagay na sinundan din ng asawa. "Tama ang abuela Leonora ninyo, mga apo ko. Pamangkin niya ang Mama n'yo at ganoon din sa Papa n'yo. Anak ito ng pinsan ko. At isa pa, kahit hindi tayo magkakamag-anak ay walang aalis sa inyo rito. Kaya't ipanatag n'yo ang inyong damdamin," pahayag nito. Kaya naman ay napatakbo ang tatlo upang maka-yakap sa mga ninuno. Actually, nag-unahan silang tatlo. Ngunit ang dalawang babae ay mas naunang nagpakanlong sa abuelo. Kaya't ang lalaking mahaba-haba ang pasensiya ay sa abuela yumakap. Dahil dito ay nagkatinginan ang mag-asawa. "IT'S BEEN eight consecutive years since you fled from here, my dearest daughter. Bakit bumalik ka pa? Mas matutuwa pa siguro ako kung nanatili kang nasa malayo. Dahil hindi ka mapapakialaman ng Daddy mo," may pag-aalalang wika ni Mrs Lopez sa dalagang si Isabella. "Mommy, maaring namuhay kami ng mga anak ko sa Bangkok Thailand. Ngunit hindi ko ipinagkait sa kanila na may ninuno silang Spanish. Ikaw na rin po ang nagsabing walong taon na ang nakalipas simula umalis ako. Kaya't oras na rin upang wakasan ang ill-fated ties ni Daddy sa mga Miller," tugon nito. Kaya naman ay napatingin dito ang Ginang. Wala ng ibang mas nakakakilala sa mga anak niya kundi siya bilang ina at nagpalaki sa mga ito. "Isabella? What do you mean by that, my child? How about your children? Did you ever think what will happen to them if your own father and theirs will---" ALAM na alam niya ang nais sabihin ng ina kaya't hindi na niya ito pinatapos. Dahil siya na mismo ang gumawa sa bagay na iyon. "Mommy, thank you for letting me fled that year. Dahil nagkaroon ako ng triplets. Oo, Mommy, tatlong malulusog, cute na cute na babies ang isinilang ko noon sa Thailand eight years ago. Alam kung nag-aalala ka sa aming mag-iina pero bilang anak at tao ay hindi kita maaring isantabi. Kaya't huwag mo akong alalahanin sa pagkakataong ito. Dahil ako naman ang kasama mo upang makaalis sa poder ni Daddy." Mahaba-haba niyang paliwanag. Ngunit dali-dali ring bumalatay ang pagtataka sa kaniyang mukha. Aba'y paanong hindi siya magtataka samantalang umiling-iling lamang ito. Kaya naman ay ibinuka niya ang labi upang itanong sana. Kaso niyakap siya nito. "Anak, maaring tinulungan kitang tumakas noon. At hindi kita maaring ipagkanulo sa Daddy mo. Ngunit hindi ito nangangaluhugang iiwan ko rin siya. Ang tatlo mong kapatid na lalaki ay nabibilang din sa ating daliri kung magbakasyon dito sa Madrid. Ibig sabihin ay ako lamang mayroon ang ama ninyo. Kaya't habang wala pa ito at mas hindi pa nakarating sa kaniya na nandito kayong mag-iina sa Spain ay bumalik na lamang kayo sa Thailand. Pero mas mapapanatag ako kung harapin mo ang ama ng iyong mga anak." Mula sa pagkayakap sa kaniya ay kumalas ito ngunit hinawakan naman ang mukha niya. Kaya naman ay kitang-kita niya ang nakangiti nitong aura. Kaso sa inasta nito ay nanindig ang mga balahibo niya. Tuloy! "Mommy? Bakit parang namamaalam ka na sa paraan ng iyong pananalita? Mayroon po ba akong hindi nalalaman?" patanong niyang sabi. "Anak, tandaa mong ang pag-ibig ay hindi puro pasarap. Kung tutuusin ay mas marami pa ang sinusubok tayo ng pagkakataon. Nasaksihan mo ang relasyon namin ng Daddy mo kaya't alam kong nauunawaan mo ang aking ibig sabihin. Tungkol sa inyo ng batang Miller ay yakapin mo ito sa kabila ng agwat ninyo sa edad. Love him with all your heart, including his imperfections. Ayon sa kuwento mo noon ay prodigy ito. Ibig sabihin ay hindi basta-basta ang talento mayroon ito. Ngunit huwag mo ring kalimutang tao at lalaki iyon. When a man loves a woman, they became possessive and a jealous guy. Therefore, you need to give all your best to be a good woman and lover to him. And, lastly, when you have a chance to meet him again, tell him that I never blame him or his family for everything. Instead, I'm forever grateful that he loves you despite the fact that you are a daughter of Marcus Lopez." Ayon! Bukod sa hinaba-haba ng naging pahayag ng ina ay talagang nawalan na siya ng maaring sabihin. Tuluyan naumid ang kaniyang dila. Kaso! Sa pagkaumid ng dila niya ay unti-unti itong dumistansiya. Kaya't muling namilog ang bilugan niyang mata! Magtatanong pa nga sana siya kaso may papel itong ipinahawak sa kaniya. Pero! Hindi pa niya naapuhap ang akmang salitang sasabihin sana rito ay natumba na ito. At ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata kung bakit basta na lamang ito napahiga sa sementadong sahig!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD