Aimee Nasa bahay sila ng kaniyang kaibigan na si Sierra. Kasama niya rin ngayon sa bahay nito ang kaibigan nitong si Shaniah. May group project sila sa isang subject at kagrupo niya ang dalawang kaibigan. Kapag talaga may groupings ay sa kanila sumasama si Shaniah. Hindi naman pabigat si Shaniah sa kanila ni Sierra. Pero kung minsan ay nauuwi sa chikahan ang buong maghapon nila. At ang ending ay sa bahay na lang rin nila gagawin ang dapat sana ay gagawin nila ng magkakasama. "O, ano na mga bestie? Ano ng gagawin natin? Anong maitutulong ko?" tanong sa kanila ni Shaniah. Naupo na si Shaniah sa carpeted floor. Sabado ngayon kaya naman dapat lang na matapos nila ngayon ang kanilang group project dahil wala siyang duty ngayon sa grocery store. Ang sabi sa kaniya ng kaniyang mga magulang ay

