Aimee Masaya siya dahil naayos nilang dalawa ni Ryle ang kanilang relasyon. Bumalik ang kaniyang tiwala kay Ryle. Nagkaroon silang dalawa ng open communication matapos ang kanilang 'di pagkakaunawaan. May singing performance mamaya ang kaniyang kasintahan kasama ang banda nito. Excited siyang mapanuod na mag-perform ang kaniyang nobyo. She's his number one fan girl. Minsan nga binibiro niya ito na mag-audition sa singing competition sa telebisyon. Tiyak niyang may future ang kaniyang boyfriend doon. Ngunit ang sabi ng kaniyang nobyo ay wala raw sa plano nito iyon. Masaya na itong nakakapag-perform sa stage ng kanilang eskuwelahan at sa church. Mas focus kasi ang kaniyang nobyo sa pag-aaral at sa football. Maging magaling na football player talaga ang pangarap nito. Nagsimula na ang k

