Aimee Umuwi siya ng lagpas na sa curfew niya kaya naman napagalitan siya ng kaniyang ina. "Sorry, Mom," aniya sa kaniyang ina. Nagpaliwanag siya na kaya siya umuwi ng ganoong oras ay dahil may sakit si Ryle. She's very concern of him. Natural lang naman na mag-alala siya sa boyfriend niya dahil inaapoy ito ng lagnat. Pinapauwi na nga siya ng maaga ni Ryle ngunit sadyang matigas ang kaniyang ulo. Kaya tatanggapin niya na lang ang sermon ng kaniyang ina. Nang magtungo na siya sa kaniyang silid ay nabasa niya ang mga text messages sa kaniya ni Ryle. Ryle: Nakauwi ka na ba, love? Ryle: Love, napagalitan ka ba sa inyo? Ryle: Text mo 'ko, love. Pinasahan kita ng load. Mabagal kasi internet connection namin. Agad naman siyang nag-reply sa kaniyang kasintahan. Aimee: Hindi naman ako pinag

