Aimee Ngayon ang concert ng kaniyang favorite international band sa Mall of Asia concert grounds. Excited na excited siya sa araw na ito. Dahil matagal niya na itong hinihintay. Kasama niya ngayon ang kaniyang kaibigan na si Sierra at talaga namang pinaghandaan nito ang outfit nito para sa concert ngayong gabi. Nakasuot ito ng black leather jacket at sa baba naman ay skinny black pants. Siya naman ay simpleng black t-shirt na may tatak ng kaniyang paborito banda na Summer Beats. Nabili niya ang t-shirt na iyon online na nagkakahalaga ng two-hundred fifty pesos. Maganda naman ang tela dahil makapal ito. Saka balewala sa kaniya na gumastos para sa merch ng paborito niyang banda. Kumbaga isa iyon sa kaniyang guilty-pleasure. Pinaghihirapan niya naman ang pera na ibinibili niya ng Summer Be

