Aimee Nagbukas siya ng social media account. Tiningnan niya rin ang bagong post ng kaniyang kasintahan sa i********: account nito. May bagong post kasi ang kaniyang kasintahan na larawan. Kuha ito sa gym habang nag-wo-work out. Napansin niyang nila-like ng babaeng pinagselosan niya noon ang picture ng kaniyang boyfriend sa i********: account nito. Mas lalo pa siyang nainis nang makita niya ang comment nito na tatlong heart emoji sa comment section at ni-like naman ito ng kaniyang boyfriend. Grrr. Ano ba talagang meron sa dalawang ito? Tanong niya sa kaniyang sarili. Nai-stress na talaga siya sa kakaisip. Hindi na talaga siya mapakali na malaman kung ano ba talaga ang totoong namamagitan sa dalawa. Sa kaniyang boyfriend at sa babaeng iyon. Naaasar na siya sa kaniyang kasintahan dahil gin

