Aimee Umiiyak siyang dumating sa kanilang bahay dahil sa nalaman niya tungkol kay Ryle. Nag-away na naman kasi sila ng nobyo. "O, sweetheart, ano'ng nangyari?" nag-aalalang wika ng kaniyang ina ng makapasok siya sa loob ng kanilang bahay. Wala pa ang kaniyang kapatid at ang kaniyang daddy. Kagagaling niya lang sa eskuwelahan. "Mommy, si Ryle po. Bumalik sa ex niya," lumuluha niyang wika sa kaniyang ina. Ikinuwento niya sa kaniyang ina ang naging pagtatalo nila ni Ryle. Napapadalas ang kanilang tampuhan na nauuwi sa sagutan. Hindi na naitago ng kaniyang ina ang pagkadisgusto nito sa kaniyang nobyo. Nakita kasi ng isa sa kaniyang kaibigan na kasama ni Ryle ang ex nito. Tinatawagan niya si Ryle upang ayusin ang kanilang relasyon ngunit hindi naman ito sumasagot sa mga tawag niya. "Mabu

