Aimee "Happy birthday sa sexy kong bestie," masayang bati niya kay Sara. "Bagay na bagay sa 'yo ang outfit mo, birthday girl," komento niya sa kaniyang matalik na kaibigan. Inabot niya ang kaniyang regalo para rito. Dumaan siya kahapon sa pinakamalapit na mall para bumili ng regalo para rito. Pabango at lipstick ang regalo niya sa kaibigan. Alam niyang magugustuhan ito ng kaniyang kaibigan. 'Yung pabango kasi na binili niya ay ang favorite brand at favorite scent ni Sara. Ang red lipstick naman na binili niya ay international brand din pero nasa abot-kayang presyo naman. Buti at sale sa mall kahapon. Naka-discount siya ng malaking halaga. Isinuot niya na rin ang bago niyang damit na regalo sa kaniya ng Tita niya. Kapatid ng kaniyang mommy. Gandang-ganda siya sa regalo nito na floral cro

