Ryle Nang pumanaw ang kaniyang lolo sa komplikasyon ng sakit nito, para siyang nawalan ng gana sa buhay. Nawalan siya ng ganang pumasok at ipagpatuloy ang mga bagay na libangan niya tulad ng paglalaro ng football. Ang itinuturing niya kasing isang tunay na ama sa kaniya ay iniwan na sila. Ngunit kailangan niyang magpatuloy sa buhay. Para sa kaniyang pamilya, sa kaniyang kapatid, sa kaniyang ina, at sa kaniyang mahal na lola. Aaminin niyang hindi madali ang kaniyang pinagdadaanan sa pagkawala ng kaniyang lolo ngunit nandiyan naman ang kaniyang mga kaibigan. At isa pa, hindi siya iniwan ni Aimee sa mga oras na kailangan niya ito. Hindi niya pa rin kasi matanggap ang biglaang pagkawala ng kaniyang lolo dahil lumaki siya sa piling nito. Kaya naman kapag uuwi siya ng bahay ay para bang wal

