Aimee Nakikinig siya ng kanta habang nasa kaniyang silid. Walang tao sa kanilang bahay kaya naman nagsa-sound trip siya ng malakas. Katatapos niya lamang maglinis ng bahay. Mamaya ay magluluto na siya ng tanghalian. Habang naglilinis siya ng kaniyang silid ay nalalaglag ang kaniyang libro. Nagkalat doon ang mga nakaipit na larawan nila ni Ryle. Kuha ang mga larawan na ito noong mga panahong kasama niya ang binata na mamangka. Nandoon rin sa isang larawan ang kaniyang kaibigan na si Lyle at Sara na masayang nakangiti sa larawan dahil nakabingwit ang mga ito ng malaking isda. Lahat ng mga bagay na nagpapaalala sa kaniya sa dating nobyo ay inilagay niya sa kahon. Kasama ng mga stuff toys na binigay nito sa kaniya noon. Malapit na ang kaarawan ng kaniyang kaibigan at kaklase na si Jenna. L

