Aimee "Magpapaliwanag ako, please. Love, makinig ka naman sa 'kin," wika ng kaniyang kasintahan sa kabilang linya. Mahina siyang umiiyak sa kwarto. Ayaw niyang marinig ng kaniyang mga magulang na umiiyak siya ng ganitong oras. Nakita kasi niya sa Snapchat na may kasamang mga babae sa ilang larawan at videos ang kaniyang nobyo. Kuha ang mga larawan sa isang bar at kasama nito ang ilang mga babae na nag-aaral din sa eskuwelahan na pinapasukan nito ngayon. Ayaw niyang marinig ang mga paliwanag ng kaniyang nobyo. Maliwanag na pinagtataksilan siya nito. Kaya pala hindi niya ito makontak buong maghapon ay dahil may mga babaeng nakapalibot dito. Mahina siyang napamura dahil sa inis at galit sa lalaki. Pagkatapos ay pinatay niya ang kaniyang cellphone. Dahil sa selos at pagiging busy niya sa

