Aimee "Kumusta na ang lolo ni Ryle?" tanong sa kaniya ni Sierra habang nasa loob sila ng classroom. Naikuwento niya sa kaibigan na isinugod sa ospital ang lolo ng kaniyang ex-boyfriend noong linggo. "Ayun, hindi pa rin nagigising," malungkot niyang wika sa kaibigan. Nalulungkot siya ng malaman niyang na-comatose ang lolo ni Ryle. Alam niya kung gaano kamahal ni Ryle ang lolo nito. Ito na kasi ang tumayong ama nito noong bata pa lamang si Ryle. At dahil sa poder ng lolo ito lumaki. Nabalitaan niya rin na hiwalay na ang mga magulang ni Maddie na ikinalungkot niya. Bata pa ito para mawalan ng isang kumpletong pamilya. Mahirap talaga ang maging broken family. Pagkatapos ng kanilang klase ay gusto niyang dumalaw sa ospital kung saan naka-confine ang lolo ni Ryle. "Maiba tayo ng usapan. K

