Aimee Tinawagan siya ng kaniyang pinsan dahil may mahalaga raw itong sasabihin sa kaniya. Nagpapahinga siya sa bahay ng tumawag ito sa kaniya. Katatapos niya lang kasing maglaba at maglinis ng bahay. Mababakas sa tinig ng pinsan sa kabilang linya na parang balisa ito. Ngayon lamang ito nag-panic sa kung anumang dahilan. Kaya naman nag-aalala siya sa kaniyang pinsan. Naligo muna siya at inayos ang kaniyang sarili bago nagtungo sa bahay ng kaniyang pinsan. Magulo pa ang buhok ng kaniyang pinsan at kapansin-pansin ang eyebag nito. Mukhang hindi ito nakatulog ng maayos kagabi. "Ano'ng nangyari?" bungad na tanong niya sa kaniyang pinsan na si Jewelene. Naupo siya sa couch at tumabi sa kaniyang pinsan para alamin kung ano'ng problema nito. Hindi nito alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya

