Ryle
"Dude, baka matunaw niyan si Aimee," kantyaw ni Noah. Isa ito sa mga kabarkada ni Ryle. Hindi niya pinansin ang tinuran ni Noah.
Sinamaan niya ito ng tingin.
"Tigilan mo nga 'yang pakanta-kanta mo d'yan! Baka bumagyo. Hindi pa matuloy ang reunion," singhal niya rito.
Kanina pa kasi siya inaasar ng mga barkada niya dahil nandito rin sa high school reunion nila ang ex niyang si Aimee. Napahalakhak naman ang kaniyang kaibigan.
"Pasulyap-sulyap ka't kunwari'y. Patingin-tingin kay Aimee," kantyaw naman ng isa pa niyang kaibigan na si Alexis o mas kilala sa tawag na Alex.
Ngumisi pa ito ng nakakaloko.
Napapailing na lang siya. Mga walang magawa sa buhay.
Hindi niya naman sinasadyang mapatingin sa gawing ibaba. Kung saan tanaw niya si Aimee mula sa corridor na kinaroroonan nila ng kaniyang grupo.
Nakasuot si Aimee ng isang sexy floral dress kaya naman napanganga siya kanina nang makita niya ang napakaganda at napaka-sexy niyang ex-girlfriend. Nakita niyang masaya ito at katawanan ang mga kaibigan nito. Mukhang masayang-masaya ang mga ito sa kung anuman ang kanilang pinag-uusapan.
Patuloy pa rin ang kaniyang mga kaibigan sa panunukso sa kaniya. Sa inis niya ay umalis siya sa puwesto nila.
"Teka, saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Alex.
Napahinto siya sa paglalakad ng hindi nililingon ang mga kaibigan. Nag-middle finger sign siya habang nakatalikod sa mga ito sabay lakad papalayo.
They're pissing him off. Humagalpak naman ng tawa ang mga siraulo.
Naglakad-lakad muna siya palayo sa direksyon ng kaniyang mga kaibigan para magpalipas muna ng oras habang hindi pa nagsisimula ang kanilang program. Mabubuwisit lang kasi siya sa mga pang-aasar ng mga iyon.
Napansin niya naman ang ilang pagbabago ng school sa loob lamang ng ilang taon mula n'ung maka-graduate siya sa paaralan na ito. May mga nadagdag na bagong building. At mas gumanda pa lalo ang kanilang paaralan.
Marami pa rin ang nakakakilala kay Ryle sa kanilang eskuwelahan. Maraming mga bumabati sa kaniya na nakakasalubong niya habang siya ay naglalakad-lakad sa loob ng paaralan. Ngiti naman ang itinugon niya sa mga iyon. Kilalang-kilala kasi siya dahil isa siya sa pinakamagaling na football player ng kanilang paaralan. Kaya naman hindi pa siya tumutuntong ng kolehiyo, ay pinag-aagawan na siya ng iba't-ibang university and colleges. Pero mas pinili niya ang De La Salle University Manila, kung saan third year college na siya sa kursong engineering.
Nagtungo siya sa comfort room para tingnan ang sarili sa salamin. Summer na kasi ngayon, kaya maglakad lang siya ng kaunti sa labas ay tagaktak na ang kaniyang pawis. Nang makalabas siya ng palikuran ay biglang nanlaki ang kaniyang mga mata, at bumilis ang t***k ng kaniyang puso ng mapansin niyang sa direksyon niya patungo si Aimee.
Napahinto siya. Hindi siya mapakali sa kaniyang puwesto. Pero hindi naman siya makakaalis doon para balikan ang kaniyang mga kaibigan nang hindi makakasalubong si Aimee.
Nagulat na lang siya ng makita niya si Aimee na napaupo dahil nabangga nito ang isang matangkad at matipunong lalaki. Wala kasi sa sarili si Aimee habang naglalakad suot ang pagkataas-taas nitong heels sandals.
Napailing na lang siya.
Hindi pa rin talaga nagbabago ang kaniyang ex. Napaka-clumsy pa rin nito kahit kelan. Inilahad ng lalaking nabangga nito ang kamay nito para matulungan itong makatayo. Ngunit tinanggihan nito ang pagtulong ng lalaki. Kaya naman naglakad na papalayo ang lalaki.
Napansin niya na malala ang pagkakabagsak nito kaya namimilipit ito sa sakit. Minamasahe nito ang kanang paa nito. Hindi naman siya nagdalawang-isip na tulungan si Aimee dahil sa hindi maipinta ang mukha nito sa sakit na nararamdaman. Ngunit nakalimutan niya 'atang hindi sila nagkikibuan ng kaniyang ex dahil sa naging hiwalayan nila noon.
"Are you okay? Can you stand?" hindi makatinging tanong niya rito.
Umupo siya para magpantay ang taas nila ni Aimee na kasalukuyang namimilipit pa rin dahil sa masakit na paa.
Hindi man niya ito tinitingnan ng diretso ay alam niyang nagulat ito ng makita siya na huminto sa harapan nito.
"I-I'm...I'm okay..." nagkanda-utal na tugon nito sa kaniya.
"Let me help you," alok niya rito habang inilahad ang kamay para tulungan itong makatayo.
"Huwag na. Kaya kong tumayo," tanggi nito sa kaniya.
Ngunit alam niyang namimilipit pa rin sa sakit si Aimee. Kaya naman walang imik na binuhat niya ito.
Nagulat si Aimee sa ginawa niya. "Ryle, anong ginagawa mo? Ibaba mo 'ko!" utos nito sa kaniya.
Ngunit hindi siya nakinig sa sinabi nito.
"Ryle! You're crazy! Ibaba mo 'ko sabi!" singhal nito sa kaniya.
Pinagtitinginan na sila ng mga tao. 'Yung iba ay tinutukso sila dahil alam ng lahat ang kanilang nakaraan. Ang iba naman ay sumisipol-sipol pa.
People said before that their relationship was like a story romance book. Isang magandang cheerleader at isang guwapong football player.
"Ang kulit mo talaga!" naiinis na wika ni Aimee. "Ibaba mo na kasi ako, Ryle!" mariing utos nito sa kaniya.
"Eh, kung ayoko? May magagawa ka ba?" pang-aasar niyang tugon dito.
Halatang inis na inis na si Aimee sa kaniya. Ngunit buhat-buhat niya pa rin ito habang naglalakad siya papunta sa may football field ng kanilang paaralan. Hindi niya ito ibababa kahit pagsusuntukin man siya nito. Mahigpit pa rin ang kaniyang pagkakakapit kay Aimee.
"F*ck you, Ryle!" sa halip na maasar siya sa inasta nito ay natawa na lang siya.
She's still the woman he loves before. Kung ano ang ugali nito noon ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Para silang mga aso't pusa na away bati noon.
Nagsimula na ang reunion program. Pagkababa niya kay Aimee sa bench kung saan nakaupo ang mga kaibigan nito ay bumalik na siya sa kaniyang mga tropa.
Hindi pa rin mawala-wala sa kaniyang isipan si Aimee. Sa buong maghapong iyon ay si Aimee lang ang laman ng kaniyang isipan. He didn't even pay attention to the program anymore. Kaya naman halos patayin niya na sa inis ang kaniyang mga kaibigan dahil sa walang tigil na pang-aasar ng mga ito sa kaniya. Kinukulit din siya ng kaniyang mga kaibigan na ligawan niya raw muli si Aimee. Dahil halata naman daw na may feelings pa rin siya para rito.
"Kung ayaw mo, si Alex na lang ang manliligaw kay Aimee. You already moved on, right?" kantyaw ni Noah sa kaniya.
Hindi niya ito tinugon.
Alam niyang hindi madali ang nais mangyari ng kaniyang mga kaibigan. He also know that she already has a boyfriend. At mayroon na rin naman siyang bagong kasintahan. Kaya mukhang mahirap mangyari ang gusto nila. Ngunit hindi niya maitatanggi sa kaniyang sarili na muling bumalik ang kaniyang nararamdaman para kay Aimee ng makita niya itong muli.
She's still the gorgeous woman he ever dated. Laking panghihinayang niya rin na naging gago siya noon. Na kaya sila naghiwalay ni Aimee ay dahil sa sarili niya ring kagagawan. Pero ang nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik ang kung ano mang meron sila noon. Lalo na't alam niyang galit pa rin sa kaniya si Aimee.
Song used: Pasulyap-sulyap by Tootsie Guevarra