Aimee Ngayon ang kaarawan ng kaniyang pinsan at childhood best friend na si Jewelene. Ika-14th birthday ng kaniyang pinsan ngayong Sabado. Nag-aaral ang kaniyang pinsan sa isa ring private school malapit sa kanilang lugar. Freshman student din itong katulad niya. Ipapakilala na rin ni Jewelene ang first boyfriend nito sa kaniya at sa mga magulang nito. Nakita niya na sa mga pictures na ipinakita ng kaniyang pinsan ang boyfriend nito. Matangkad ang lalaki kumpara sa kaniyang pinsan na 5'2 feet ang taas. Mabait daw ito at talaga namang boyfriend material ito sabi sa kaniya ng kaniyang pinsan. Excited na rin siyang makilala ng personal ang masuwerteng lalaki na nagpapatibok ng puso ng kaniyang pinsan. Matanda ng mahigit dalawang taon ang boyfriend ng kaniyang pinsan. Third-year high schoo

