Aimee Nagulat siya sa nabasa niya sa social media tungkol sa kaniyang idolo na si Lincoln, ang lead singer ng paborito niyang banda. Nag-propose lang naman ito sa current girlfriend nito na isa ring singer na sumikat sa isang talent show sa US. Hindi siya makapaniwala sa engagement proposal ng kaniyang idolo sa American singer na kapangalan ng ex-girlfriend ng kaniyang nobyo. Savannah Aleisha Wilson ang pangalan ng girlfriend ng kaniyang idolo. Four years ago ay sumikat ang unang kantang ni-release nito kung saan naka-collaborate nito ang isang kilalang British singer. Mas lalo naman itong sumikat nang ma-ugnay ang pangalan nito sa kaniyang idolo. They were trying to hide their relationship at first. Ngunit hindi nakaligtas ang dalawa sa mga paparazzi na sumusunod sa mga ito. They were

